Ano Ang Positibo At Negatibo Sa Unemployment

Ano ang positibo at negatibo sa unemployment

Ang unemployment o bilang ng mga manggagawang walang trabahong nakalaan ay may malaking epekto sa pamayanan at ekonomiya. Sa panahon ngayon, karamihan sa mga nakapagtapos ay nauubusan ng oportunidad na makapasok sa trabaho at ang ilan ay mas pinipiling mangibang bansa.

Ang pinakapangunahing epekto nito ay kahirapan. Nang dahil sa hindi mapakinabangang kaalaman, hindi na masusustentuhan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamayanan. Higit sa lahat sa pangangalaga sa pinaka maliit na yunit ng lipunan, ang pamilya. Sa isang pamilyang walang sapat na hanap buhay, maghihirap ang bawat miyembro na mapunan ang kanilang pangangailangan. Halimbawa na lamang, sa edukasyon ng kabataan, kalusugan at mga kumakalam na mga sikmura.

Sa kadahilanang ito, hindi uunlad ang ekonomiya ng bansa. Bagkus ay lalong maghihirap. Maraming mga taong mapipilitang gumawa ng masama o mangibang bansa kesa maghirap dahil sa kawalan ng trabaho.

Upang masulusyunan ito, bigyan ng pagkakataon ang mga taong magkatrabaho kahit ito’y simpleng hanap buhay lamang, bigyan ng tamang pasweldo at benepisyo.

See also  13. Ang Mga Sumusunod Ay Tumutukoy Sa Konsepto Ng Sex Maliban S...