Ano Wakas Alamat Ng Pinya?​

Ano wakas alamat ng pinya?​

Answer:

Hanggang isang araw, napansin ni Aling Rosa ang tumubong halaman sa bakuran ng bahay. Dahil likas siyang maaruga, araw-araw ay diniligan niya ito hanggang sa namunga ang halaman.

Laking gulat niya nang makita ang bunga, hugis ulo ng tao at maraming mga mata. Bigla siyang nalungkot nang maalala ang sinabi niya sa anak. Nagkatotoo ang mga sinabi niya. Tahimik na tumangis si Aling Rosa.

Napansin ng mga kapitbahay ang espesyal na pag-aaruga ni Aling Rosa sa halaman. Ang mga kapitbahay na nakarinig ng sagutan nilang mag-ina nang araw na mawala si Pinang ay madalas sabihin, “Pinang niya iyan”.

Bilang pag-alala sa anak, pinadami ni Aling Rosa ang tanim at pinamigay ang iba. Bawat pinyang pinamimigay niya, ikinukwento niya kung paano siya nagkaroon ng kakaibang halamang tanim.

Mula noon, tinawag na pinya ang halamang may bunga na hugis ulo ng tao at maraming mata.

sana makatulong at pa brainliest poh plss

Answer:

Nag wakas ang kwento nung si pinang ay naging isang pinya at nag sisi ang kanyang ina dahil sumpa nya ito na dumami ang kanyang MATA at mula noon ito ay tinawag na pinya

Explanation:

please give me many hearts thanks

See also  Mga Paglabag Sa Paggalang Sa Buhay Ng Alkoholismo​