Anong Natutunan Sa Ibong Adarna

anong natutunan sa ibong adarna

Sa pagbasa ng Ibong Adarna, napagtanto ko na mabilis tayong mainggit sa mga taong mas nakakaanggat sa atin – mapa estado man ito sa buhay o mapa materyal na bagay. Dahil sa selos, nabubulag tayo sa realidad at nalalason ang ating puso’t isipan kung kaya’t nakagagawa tayo ng kasamaan.

Natutunan ko sa akda ang kahalagahan ng pagiging kun’tento sa kung ano man ang mayroon tayo. Sa halip na mainggit sa tagumpay ng iba, dapat maging masaya na lang at gawin itong inspirasyon upang tayo’y mas bumuti at makamit ang ating mga pangarap. Itaga natin sa bato na kapag ang bahagi ng puso natin ay may inggit, hindi nakakapagtakang ang lalabas sa bibig natin ay puro panlalait.

See also  Ipaliwanag Ano Ang Disenyo Ng Pananaliksik​