anong pag papantig ng libro
Answer:
Ang Pantig at Pagpapantig
Ang Pantig at Palapantigan
Bago pa man talakayin ang diptonggo at klaster ay mas maganda kung magkaroon muna ng kabatiran ang mga iskolar tungkol sa palapantigan dahil ito ang paraan upang makilala at maunawaan ang dalawa (2) pang uri ng ponemang segmental.
Ang pantig ay ang isa o bawat saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Halimbawa:
a-ko sam-bit i-i-wan
mang-ya-ya-ri it-log ma-a-a-ri
Kayarian ng Pantig. Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.