Anu Ang kahulugan Ng ilaw Ng tahanan
Mga Idyoma
Ang idyoma ay maituturing na isang matalinghaga na nagpapamalas o kaya nagpapahayag ng isang ideya o kaunawaan. Ito rin ay hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan tungkol sa isang bagay. At karaniwan na hinahango ang mga idyoma sa karanasan ng isang tao at maging sa isang pangyayari. Nakikilala rin dito ang yaman ng wika.
Ang ibig sabihin ng idyoma na ilaw ng tahanan
Ina
Ang idyoma na binanggit sa itaas ay nagpapatungkol sa lahat ng nanay natin. Malaki ang tulong at pagmamahal nila sa ating mga anak. Maraming gawain ang nakaatang sa mga ina, mommy, mama, nanay at lola. Ramdam na ramdam natin ang pagmamahal nila para sa atin. Nagsasakripisyo sila alang-alang sa pamilya natin at mapanatili ang pagkakaisa at maging ang kalinisan ng ating mga tahanan.
Malaki ang ginagampanan na atas ng mga ilaw ng tahanan sa buhay ng isang pamilya. Nariyan ang mga nanay natin lalo na kung malungkot tayo at nababalisa. Naisin ng mga ina na tayo ay maging maligaya, lalong higit para sa mga anak. Ang mga mama natin ang siyang nagtuturo sa atin ng magagandang katangian na huhubog sa atin sa tamang antas ng pamumuhay. At tinutulungan niya tayo na lumaki ng maayos at ligtas sa anumang sakit.
Kung ikaw ay may pagnanais pa na makapagbasa ng higit pa, maaari kang magtungo pa sa mga links na ito para sa bisitahin:
Paliwanag tungkol sa bakit ang ating mga ina ay ilaw ng tahanan: brainly.ph/question/1522608
Ang kaibahan ng mga nanay noon at ngayon: brainly.ph/question/2143043
#SPJ2