Anu Ang Tungkulin Ng Isang Doktor

Anu ang tungkulin ng isang doktor

Answer:

gumamot ng mga taong may sakit

Explanation:

yan lng po ang Alam KO

Answer:

Ang pangunahing tungkulin ng isang doktor ay ang magamot o mapagaling ang kaniyang pasyente. Tungkulin din nito na mabigyan ng tamang serbisyong pangkalusugan ang kanyang pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang gamot sa kanyang karamdaman.

Ano ang doktor?

Ang doktor ay isang dalubhasa sa paggagamot ng mga sakit. Siya ang tumitingin sa isang pasyenteng may sakit at nagrereseta ng kaukulang gamot. Karaniwang katulong ng doktor ang isang nurse sa ospital. May mga doktor din na nag-oopera ng mga sakit ng tao, tinatawag naman silang surihano.

Ano ang surihano?

Sa modernong medisina, ang isang siruhano ay isang manggagamot na nagsasagawa ng operasyon. Sila ay bihasa sa pag-oopera ng iba’t ibang mga kaso gaya ng luslos, appendicitis, at iba pa.

Ano ang pag-oopera?

Ang pagtistis o pag-opera ay isang proseso na ginagawa ng isang surihano sa ospital. Tanging mga propesyonal na surihano lamang ang maaaring magsagawa nito dahil ito’y lubhang mapanganib sa buhay ng isang tao lalo na kung hindi magiging matagumpay ang paggawa nito. Maraming dahilan kung bakit kailangang isagawa ang pagtistis ito ay upang gamutin ang anumang sakit o pinsala at upang mapabuti ang itsura ng katawan.  Karaniwang malaking halaga ng pera ang kakailanganin kapag ang isang tao ay kailangang operahan.

Mga halimbawa ng Surihano o Surgeon

1. Neurosurgeon – Doktor na nag-oopera sa utak.

2. Cardiovascular surgeon – Doktor na nag-oopera sa puso.

3. Plastic surgeon – Doktor na nagreretoke ng mga bahagi ng katawan.

4. Orthopedic Surgeon – Doktor na humahawak sa pagsusuri at paggamot ng mga isyu ng musculoskeletal system.

5.  Pediatric surgeon – Dalubhasa sa paggamot, at pagbibigay ng pangangalaga sa post-operative para sa mga bata mula sa bagong panganak hanggang sa mga taong tinedyer.

See also  Kumusta? Gusto Nyo Bang Mamasya Lugar Sa Daigdig Sa Guhit Na Ito...