Aral Sa Kabanata 16 Ng El Fili

Aral sa kabanata 16 ng el fili

Ano ang matutunan natin sa Kabanata 16 ng El Filibusterismo?

Sa kabanatang ito ay makikita natin na may mga grupong minorya sa lipunan na naisasantabi ang kapakanan at karapatan dahil hindi marinig o hindi pinakikinggan ang kanilang mga hinaing. Sa kwentong ito, ang grupong iyon ay ang mga Intsik. Bagaman gumawa ng mga hakbang si Quiroga upang mabigyan sila ng pansin, makikita na siya ay naisantabi parin at napagsamantalahan habang ang lahat ay nakikinabang sa kanyang piging.

Ito ay naangkop rin sa ating panahon at masasabi na nangyayari pa rin. Maraming mga grupong minorya tulad na lamang ng mga pangkat etniko, mga taong mahihirap, at mga mamamayan na malayo sa kabihasnan ang madalas na maisantabi at mapagsamantalahan pa nga dahil mas inuuna ng mga importante at makapangyarihang mga tao ang kanilang sariling mga agenda at kapakanan.

El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal

Kabanata 16: Ang Kasawian ng Isang Intsik

Ang kabanatang ito ay umiikot sa karakter na si Quiroga, isang mangangalakal mula sa Tsina. Sa kabanatang ito makikita natin na si Quiroga ay naghahangad din ng representasyon o pagkilala sa mga karapatan ng mga Tsino na naninirahan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahalang Kastila. Sa kagustuhan niyang magkaroon ng embahada ng Tsina sa bansa ay nagsaayos siya ng isang hapunan kung saan inimbitahan niya ang mga importanteng tao sa lipunan gaya ng mga prayle, mga sundalong Kastila na may mataas na katungkulan, mga kawani ng pamahalaan, at pati na rin ang mga malalaking negosyante at ang kanyang mga suki.

See also  Sa Anong Bagay Mo Maihahalintulad Ang Sarili Mo? Plsss.Answer :)

Dinaluhan ito ni Simoun at saka dito siya siningil sa kanyang pagkakautang sa negosyanteng mulato. Dahil wala siyang pera upang magbayad sa panahong iyon at upang maiwasan ang komprontasyon, pumayag siya sa kagustuhan ni Simoun na iimbak at itago ang mga armas na paparating.

Sa hapunang ito ay mapapansin din na mas interesado sa ibang mga bagay ang mga naimbitahan kaysa sa kapakanan ng mga Intsik. Sa grupo ni Don Custodio ay napagusapan nila ang tungkol sa pagpapadala ng isang pangkat ng mga manggagawa sa India upang masanay at mahasa sa paggawa ng sapatos para sa mga sundalo. Sa grupo naman ng mga prayle ay isang mainit na usapan tungkol sa makababalaghan na ulong nagsasalita na matatagpuan sa perya.

Sana ay nakatulong ang sagot ko na ito.

Alam mo ba na pwede  mong gamitin ang hashtag na #CARRYOLEARNING sa iyong mga sagot? Tuwing gagamitin mo ang hashtag na ito, nagdodonate ang Brainly ng piso upang makatulong sa ating mga doctor at nars dito sa Pilipinas sa paggagamot ng mga pasyenteng may COVID-19.