Bagay Na Maihahalintulad Sa Sarili Puno

bagay na maihahalintulad sa sarili puno

Maihahalintulad ko ang aking sarili bilang isang puno at ang alam naman natin na ang isang puno bago ito maging isang matibay at matatag na puno ay mag uumpisa muna bilang isang munting halaman.

Upang lumaki at yumabong ang isang halaman ay kinakailangan nito ng sapat na atensyon, pag-aaruga at pagmamahal na katulad na lamang ng binigay at pinaramdam sa akin ng aking mga magulang simula nung ako ay musmos pa lamang. Binigyan ako ng aking mga magulang ng sapat na atensyon upang mapaipadama sa akin na ako ay mahalaga para sa kanila. Ako ay kanilang inaruga at pinuno ng pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit anumang bagay. Upang yumabong, pinuno nila ako ng mga kaalaman na kapaki-pakinabang katuwang ng mga guro, pinuno nila ako ng mga kaalaman na hindi matutumbasan ng kahit anong klaseng kayamanan sa mundo.

At ngayon, ako ay lumaki ng maayos at matatag tulad ng isang puno na namumunga, nais kong masuklian ang lahat ng ginawa ng aking mga magulang para sa akin bilang bunga ng kanilang paghihirap at sakripisyo na ginawa para sa aking kapakanan. Kaya maihahalintulad ko ang aking sarili bilang isang puno na nagmula sa isang halaman na binigyan ng atensyon, pagpapahalaga at pagmamahal hanggang sa maging puno na hitik sa bunga.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/7332086

brainly.ph/question/2175599

#SPJ2

See also  Ibat Ibang Tawag Sa Dagli