Balagtasan Ibigay Ang Opinyon At Katuwiran Tungkol Sa Paksa Ng Balag…

Balagtasan

Ibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan.

BALAGTASAN

OPINYON AT KATUWIRAN SA PAKSA NG BALAGTASAN

Sa ating pagtatalakay, ang pagbibigay ng opinyon at katuwiran sa araling ito ay makatutulong upang higit na maunawaan ang isang akda na siyang makagagawa ng pagsang-ayon at pagsalungat ukol rito at makapaglalahad nitong katuwiran. Sa tulong nito, matutuklasan natin kung ang akdang ating binasa/nabasa ay nakatutulong rin katulad ng pagsasalaysay ng opinyon at katuwiran. Kaya, ano nga ba ang maibibigay na opinyon at katuwiran sa isang paksa ng balagtasan? Ito ay nakadepende sa isang paksa na kung saan pumapatungkol ang pagtatalunan. Kung ako ang tatanungin, masasabi kong ang ilang tema nito ay magsisilbing bagong aral na maaaring masalamin ninuman sapagkat ang tema rito ay naitatalakay habang ang mga taong nanonood/manonood (sa balagtasan) ay nag-iisip na makakapagpatunay sa sarili na ang paksa ay inaasahang magiging tama para sa lahat. Kaya, mapapabuti natin ang ating pamumuhay na nakaaapekto sa pagsasalamin ng magagandang kaugnayan.

Paliwanag:

Balagtasan

Ang balagtasan ay ang pagsasalahad ng pagtatalo ukol sa naging paksa. Ito ay ginagawa ng tatlong katao. Ang mga ito ay ang lakandiwa at ang dalawang mambabalagtas. Ang tatlong kataong ito ay isang elemento ng balagtasan na kung saan nakabatay ang pagsasagawa ng pagtatalo. Ang pagtatalo ay isinasalaysay ng patula.

Paksa: Isang Elemento ng Balagtasan

Ang isang paksa (sa balagtasan) ay naglalahad ng isang isyung pagtatalakayan. Ang tema nito ay maaaring pumapatungkol sa karaniwang bagay, isyung panlipunan at politika, bagay na pangkaraniwan sa ating araw-araw na pamumuhay, pag-ibig, at anupamang uri nito na siyang kinabibilangan.

See also  Parirala O Pangungusap NG ATING Gobyerno

Kaugnayan ng Opinyon at Katuwiran sa Balagtasan

Ang opinyon ay ang mga personal nating saloobin na isa lamang haka-haka maging sariling paniniwala. Sa pagkakasaad natin nito ay nailalahad natin ang pariralang sa palagay ko, para sa akin, sa aking pagkakaalam, atbp. at maibabatay natin sa katoohanan o sa ating karanasan sa buhay. Ang katotohanan ay ang patunay na tama ng isang may pinagbabatayan. Ginagamitan ito ng mga pariralang batay sa / mula kay, pinatutunayan ni/ng, atbp. Samantala, ang katuwiran ay ang ating mga naging rason pagkatapos mapakinggan ang naganap na balagtasan.