Bible Verse Tagalog At Paliwanag.​

bible verse tagalog at paliwanag.​

Bible Verse Tagalog at Paliwanag:

“Ito ang aking utos, na kayo’y mangagibigan sa isa’t isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo.” – Juan 15:12

Paliwanag:

Ang tao ay inuutusan ng Diyos na magmahalan na tulad ng pagmamahal niya para sa bawat tao. Sapagkat ang Diyos ay likas na mapagmahal, nais niya na maging tulad niya ang mga tao sapagkat ang tao ay nilikha na kawangis niya. Kaya naman ang pagmamahal ay mahalaga na maging birtud ng tao. Dahils sa pagmamahal maiiwasan ang alitan. Ang pagmamahal ang nagtuturo ng iba pang mga birtud gaya ng pasensya, kababaang – loob, sakripisyo, kawanggawa, at marami pang iba. Kapag nagmamahal ang tao naibabahagi niya ang kanyang sarili sa iba.

Tulad ng pagsasakripisyo at pagbabahagi ni Kristo ng kanyang sarili, nais niya na matuto ang tao na alisin sa sarili ang pag – iimbot at pagiging makasarili. Nais ng Diyos na makita ng tao ang halaga ng iba at gumawa ng paraan upang maiparamdam ang kanilang halaga. Ang Diyos ang naging perpektong halimbawa ng pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Ang pagmamahal na handang mag – alay ng buhay para mabuhay ang iba. Ang pagmamahal na kahit na paulit – ulit masaktan ay patuloy pa rin sa pagkalinga at pagtanggap. Ito ang nais ng Diyos na matutunan ng tao.

Keywords: pag – ibig, Diyos

Ano ang Pag – ibig: https://brainly.ph/question/139722

#LetsStudy

See also  Ano-anong Kagamitan Ang Ibinigay Ng Ermitanyo At Ipaliwanag Kung Para Saan...