BUOD KABANATA 29 EL FILI.
El Filibusterismo Kabanata 29
“ Mga Huling Salita Tungkol Kay Kapitan Tiyago”
Buod:
Sadyang kahanga hanga ang paghahanda sa kamatayan ni kapitan tiyago hindi ito matatawaran sa grabo.
Ayon sa kura ay hindi man lamang daw nakapangumpisalm si Kapitan Tiyago bago ito mamatay ngunit ayon kay Padre Irene ay hindi dapat ipagdamot kay kapitan Tiyago ang bindesyon at misa dahil kung ang mga intsiki dawn a hindi naman binyagan ay nakakatanggap ng misa requiem si kapitan Toyago pa kaya na lagi namang bukas palad sa pagtulong sa simbahan noong nabubuhay pa.
Si padre Irene ang naging tagapangasiwa sa kayamanang naiwan ni kapitan Tiyago ayon sa kanya ang malaking kayaman ni kapitan Tiyago ay mahahati sa sumusunod ang isang bahagi ay mapupunta sa kumbento ng Santa Clara tig iisang parte ang mauuwi sa santo Papa. Arsobispo at sa korporasyon ng mga kura. Binigyan niya tig dadalawang piso ang mahihirap subalit pala aral na mga bata. Binawi daw ni Kapitan Tiyago ang dalawang pisong sana ay ipamamana kay Basilio sapagkat ito raw ay nakiisa sa mga rebolusyonaryong mga mag-aaral kaya. Dahil maawain daw si Padre Irene ay kukunin nalang daw niya ito sa sariling bulsa.
May nagsabi nab ago daw malagutan ng hininga si kapitan Tiyago ay nagpakita daw ito sa beateryo. Nagtalo naman si don Primitivo at Don Martinn Aristorenas at nagkapikunan pa ang dalawa. Samantala ayon kay kapitan Tinong ang dapat na ipasuot kay kapitan Toyago ay ang abito niya na nakatago sa baul sapagkat ito raw inihandog sa kaniya ng mag abuloy siya ng 36 na piso sa mga iginagalang na paring Pransiskano.
Ngunit ayon naman sa isang sastre ay kailangan na Prak ang dapat gamitin ng Don sapagkat prak daw ang kasuotan nito ng magpakita sa beateryo at prak din daw lagi ang suot nito tuwing merong pupuntahan mahalagang okasyon, Ngunit ayon kay Padre Irene ay lumang damit ang ipagagamit kay kapitan Tiyago, sapagkat hindi mahalaga ang kasuotan sa agharap sa panginoon. Huhusgahan tayo ng panginoon sa ating mga nagawa at hindi sa ating kasuotan.
Samantala sobrang pagkainggit naman ang ang naramdaman ni Donya Patrocinio ang kalabang mortal ni Kapitan Tiyago sa pagiging relihiyoso, dahil sa labis na pagkainngit ay nais narin daw niyang pumanaw upang malampasan lamang ang garbo ng libing ni Kapitan Tiyago.
#LearnWithBrainly
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Aral ng Kabanata 29 ng El Filibusterismo https://brainly.ph/question/1369922