buod ng akasya o kalabasa brainly
Buod ng Alamat ng Kalabasa
Ang kwentong ito ay tungkol sa pinagmulan ng halamang kalabasa.
Si Aling Disyang na isang manggugulay ay may anak na si Kuwala. Mag-isa niya itong tinataguyod dahil wala itong ama. Mabait na bata si Kuwala. Tinawag siyang “Kuwalang Basa ng basa” dahil ay mahilig itong magbasa ng mga libro na kanyang tinuring libangan. Matalinong bata rin ito kaya nagsusumikap si aling disyang na makapagbayad sa pag-aaral nito. Umuwing may lagnat si Kuwala isang hapon, at nahihirapan sa paglunok. Nagsuka ng nagsuka ang kawawang bata. Hindi agad nadala sa doktor si Kuwala dahil sa kakulangan ng pera. Nagkaroon ng malalang sakit si Kuwala at namatay ito pagkatapos ng ilang linggo. Nagdusa sa kalungkutan si Aling Disyang. Kaya nga nagasikaso nalang ito sa pagtatanim ng kaniyang mga gulay upang mawala ang sakit. Dumaan ang ilang araw at napansin niyang may kakaibang halaman na biglang tumubo at nagbunga sa kaniyang taniman. At naaalala niya dito si Kuwala.
#AnswerForTrees