Buod Ng Alamat Ni Mariang Sinukuan Ni Eugene Evasco

buod ng alamat ni mariang sinukuan ni eugene evasco

Si Maria ay isang napakabait na diwata ng bundok Arayat. Siya rin ang nagmamay-ari ng bundok na ito. Madalas niyang binibiyayaan ang mga tao ng mga pagkain tulad ng prutas, at iba pang likas na yaman. 

Isang araw, may mga nagtangkang magnakaw ng mga pagkain sa kanyang kagubatan. Pinuno nila ang kanilang sako ng mga iba’t klase ng prutas subalit habang sila ay umaalis natuklasan nilang bumibigat ang kanilang dala. Nang tignan nila ang kanilang mga sako ay naging bato ang lahat ng laman nito.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagtangka ang mga tao na abusin ang kanyang kabaitan at magnakaw sa kanyang kagubatan, kaya’t nang ang siya ay napuno ng galit dahil sa pagmamalabis ng tao sa kanya. Pinarusahan niya ang mga tao at nagutom ang mga ito sapagkat wala nang napakinabanggan pang mga likas ng yaman ng kagubatan. Mula noon ay hindi na muling nagpakita si Maria.

See also  Panuto: Tukuyin Ang Salitang May Salungguhit Kung Ito Ay Pang-aboy Pang-uri. Isulat...