Buod Ng Kabanata 15 Ng El Fili

buod ng kabanata 15 ng el fili

Answer:

Kabanata 15: Si Ginoong Pasta (Buod)

Ang Kabanatang ito ay pinamagatang Ginoong Pasta siya ay isang bantog na manananggol.

Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang manghingi ng payo kung sila ay nagigipit o naghihirap.

Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak. Nais ni Isagani na kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito. Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo.  Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag ng makialam ukol dito. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangan niyang kumilos nang naaayon sa batas, at mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo ngunit hinangaan nito ang abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.

Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio.

Ang mapupulot na aral sa kabanatang ito ay:

Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili na lamang ding manahimik upang hindi masangkot sa mga gulo. Ipagpaubaya na lamang sa pamahalaan o sa batas ang mga problema at mas piliing wag ng makialam o makigulo pa kung hindi ka naman nasasangkot dito.

See also  Ano Ang Pinagkapariha Ng Haiku At Tanka?

Keyword: Ginoong Pasta

Para sa mahahalagang pangyayari sa Kabanata 15: brainly.ph/question/2135674

#LetsStudyWeekly