Epekto Ng Unemployment At Undetemployment Sa Bansa

Epekto ng unemployment at undetemployment sa bansa

UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT

Mga Epekto ng Unemployment at Underemployment sa Bansa

Kakulangan sa Pondo ng Gobyerno

  • Kapag kulang ang mga manggagawang Pilipino sa industriya at wala masyadong trabaho ang mga populasyon ng manggagawa, mas konti ang makokolektang buwis ng gobyerno. Ang pondo para sa mga proyektong pangkalusugan, pangkalikasan, pang-agrikultura, pang-imprastruktura, at iba pa ay malalagay sa alanganin.

Pagtaas ng Crime Rate

  • Hindi maiiwasan na tumaas ang crime rate dahil sa krisis na mararanasan ng mga pamilyang nasa laylayan ng ekonomiya. Maaaring dumami ang kaso ng pagnanakaw, panghohold-up, at iba pa dahil sa kawalan ng pagkukunan ng panggastos sa araw-araw ng mga karaniwang mamamayan.

Kahirapan

  • Mas dadami ang mga taong nasa laylayan. Kung walang paraan upang sila ay kumita ng pera, lalong maghihirap ang mga mamamayang Pilipino, magugutom, at dadami ang kaso ng mga batang malnourish.

Pagbaba ng Ekonomiya

  • Maaapektuhan ng underemployment at unemployment ang GDP ng bansa. Dahil sa mababang rate ng perang ginagastos ng mga mamimili, bababa ang kabuuang dami ng perang umiikot sa ating bansa. Kasabay nito ay ang inflation.

Pagdami ng Nagtatrabaho sa Abroad

  • Dahil iniisip ng marami na walang oportunidad na makaahon sa ating bansa, nawawalan ang ating bansa ng mga magagaling na manggagawa sa larangan ng sining, siyensiya, at iba pa.

Kung nais mong matuto nang higit pa patungkol sa paksang may kaugnayan sa underemployment, maaari mong bisitahin ang link na ito:https://brainly.ph/question/275744

#SPJ5

See also  Bilang Isang CHEF Paano Ka Makakatulong Sa Iyong Komunidad? Sa Pamamagitan Ng??