Gawain 2: Kwento Ko Unawain Mo! Panuto: Basahin At Unawain Ang Kwento (15 Minuto) Par…

Gawain 2: Kwento ko Unawain mo!
Panuto: Basahin at Unawain ang Kwento (15 minuto)
Para sa Kapalanan Mo, Handa Ako
Ni: Galileo L. Go
Mahal na mahal ni Leon ang kanyang kapatid na si Bobby na may kapansanan
Naputol ang mga paa nito dahil sa isang aksidente kaya lagi siyang nasa wheelchair.
Simula noon ay si Leon na ang umaalalay kay Bobby. Minsan nga ay pinapasan niya
ito sa kanyang lod. Minsan, habang sakay niya si Bobby sa kanyang likuran,
tinanong si Leon ng isa nilang kapitbahay.
Hindi ka ba nabibigatan kay Bobby?
“Hindi po. Kapalid ko po siya at lagi po akong handang tulungan siya,” ang nakangiting
sagot ni Leon
Sa isa namang pagkakataon, nagkaroon ng camping ang mga Boy Scouts.
Biyernes ng hapon ang alis ng kawan nina Leon. Bigla namang kailangang isugod sa
pagamutan ang lolo ni Leon. Papaano iyan, sino ang kasama ni Bobby habang nasa
pagamutan kami? Pupunta si Leon sa camping nila,” ang nag-aalalang tanong ni
Nanay.
“Huwag kayong mag-alala, Nanay, Tatay. Ako na ang maiwan dito sa bahay.
Sasabihin ko na lang na hindi ako makasasama sa camping dahil sa may nangyaring
hindi inaasahan sa atin,” ang sagot naman ni Leon.
“Salamat, anak. Napakabait mo,” ang sabi naman ni Nanay.
Pagdating ng Lunes, nakita si Leon ang mga kasamahang boy scouts. Leon,
sayang hindi ka sumama. Ang saya ng camping. Marami kaming natutuhan at
nakilalang mga boy scout na galing pa sa ibang bansa,” ang masayang pagbabalita
ni Eric
“Sayang nga pero, kailangan kong iulkol ang aking panahon para sa kapakanan ng
aking kapatid at lolo,” ang sagot ni Leon.
Mga Tanong:
1. Paano ipinakita ni Leon ang pagmamahal sa kanyang kapatid?
2. Paano naapektuhan ng biglaang pagkakasakit ng lolo ni Leon ang kanilang
camping?
3. Ano ang maaaring nangyari kung itinuloy ni Leon ang pagsama sa camping?
4. Ano ang naging bunga ng pagpapaubaya ni Leon para sa kapakanan ng kanyang
pamilya?
5. Bilang mag-aaral na tulad ni Leon, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?​

See also  Kalakasan At Kahinaan Ng Kaibigan Mo. Mag Bigay Ng Word Or Lipon. Lima S...

Answer:

1.)Dahil naputol ang paa ng kaniyang kaptid kaya inaalagaan nya ito at mahal namahal nya ito bilang isang kaptid.

2.)Dahil sinugod sa pagamutan ang kaniyang lolo.

3.)ito ay mag aalala sa kaniyang kaptid at sa kaniyang lolo

kung sino ang mag aalaga.

4.)para din sa ikakatulong nya sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang kaptid na may kapansanan at sa lolo nyang may sakit.

5.)Oo.dahil para makatulong ako sa aking pamilya lalo na sa aking magulang na may trabaho.

Explanation:

sana po makatulong

paki fallow po fallow back ko po ang mag fallow sakin

stay safe