GAWAIN 2: “Pag-ibig ng Diyos, Kaluguran ko”
PANUTO: Mula sa dalawang akda na nabasa mo sa Suriin, anu-ano ang mga kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos na naipaliwanag sa nabasa mo? Gumawa ka ng sanaysay tungkol dito, sundin ang pormat sa paggawa ng sanaysay may simula, nilalaman at pangwakas na bahagi. Ang magiging pamagat ng sanaysay ay, “Kahalagahan ng Pagmamahal ng Diyos”
Answer:
Ang pagmamahal ng aking Diyos na si Jesus ay walang katulad at walang hangganan. Ang uri ng pagmamahal na ito ay tinatawag din na Agape Love. Ang esensya ng pag-ibig na agape ay magandang hangarin, walang kondisyon, at sinasadyang pagkalugod sa isang iniibig. Hindi ginamit ang salitang agape sa Bagong Tipan para tukuyin ang romantiko o sekswal na pag-ibig. Sa Kristiyanismo, ang agape ay unconditional love, “ang pinakamataas na anyo ng pag-ibig, pag-ibig sa kapwa” at “ang pag-ibig ng Diyos para sa tao at ng tao para sa Diyos”. Kabaligtaran ito sa philia, pag-ibig sa kapatid, o philautia, pag-ibig sa sarili, dahil tinatanggap nito ang isang unibersal, walang kondisyon pag-ibig na lumalabas at nagpapatuloy anuman ang sitwasyon.
Inaamin ko na marami akong naging katanungan tungkol sa Diyos kung tunay nga ba siya o hindi sapagkat hindi ko naman siya nakikita. Ako man ay lumaki sa isang relihiyosong pamilya ngunit hindi ko rin maikakaila na ang mga ito ay pumasok rin sa aking isipan lalo na noong ako ay maliit na bata pa lamang. Habang tumatagal ang panahon, napansin ko rin na mas dumami ang aking problema at ang hirap pa dito ay hindi na nga ito nababawasan ay mas lalo pa itong nagiging komplikado. Akala ko noon ay ang lahat ng mga problemang nararanasan ko ay mapapalitan agad ng kasiyahan sa pamamagitan ng panonood ko ng mga paborito kong palabas, pagkain ko ng mga paborito kong pagkain at tsaka pakikisama ko sa aking mga kaibigan sa paaralan. Hanggang sa dumating na nga ako sa punto ng aking buhay na ni minsan ay hindi ko inakala na mararanasan ko, ang depresyon na kung saan natutunan ko ang tunay na kahulugan ng salitang ito. Hindi ko na ikukuwento kung paano ito nagsimula pero sa tingin ko, nangyari talaga ito sa akin para makilala ko si Jesus. Masayahin kasi ako na bata pero makamundo naman.
Hindi ko na mawari kung paano ko ito masosolusyunan dahil ako ay napagod na sa kakahanap ng sagot hanggat sa naisipan ko na manalangin at magtiwala kalakip na rin dito ang pag-asa na matatapos din ito. Ang pangyayaring ito sa aking buhay ay nakakapanibago sapagkat hindi naman ako madasalin na bata noong una kasi akala ko hindi naman ito totoo hanggang sa ang panalangin ay naging parte na rin ng aking sistema sa araw-araw. Ngayon, habang nagbabalik-tanaw ako sa aking nakaraan habang sinusulat ko ang sanaysay na ito naiintindihan ko na kung bakit nangyari ang mga ito sa akin. Walang sinuman ang gugustuhin na mapunta sa dilim pero sabi nga nila dito mo rin makikita ang tunay na liwanag…
Ang ibig kong sabihin ay sa oras ng kaligayahan ay hindi mo makikita ang kapangyarihan ng Diyos. Ang mga masasamang pangyayari sa ating buhay ay hindi nagmumula sa kanya, ito ay nagmumula sa demonyo ngunit dito rin masusukat ang tunay na pananampalataya na hindi lamang ipinapakita sa oras ng saya. Sa karanasan kong ito, sa wakas masasabi ko na sa inyo na napakahalaga ng pagmamahal ng Diyos sa atin at ang pagmamahal na maibibigay ng bawat isa sa atin ay mahalaga sa kanya kahit na hindi man ito pinahahalagaan ng ibang tao. Lahat tayo ay kanyang tatanggapin kung tayo ay talagang magsisisi sa ating mga kasalanang nagawa at kung tatanggapin mo siya bilang sariling tagapagligtas. Walang nakahihigit sa pagmamahal na maibibigay niya sa iyo. Maniwala ka, sa umpisa ay hindi mo ito makikita at madarama pero habang tumatagal ay maiintindihan mo rin ang nais ko na ipahiwatig kung hindi ka pa naniniwala sa kanya ngayon. Sana ay pagpalain ka ni Jesus!
Explanation:
This is based on my personal experience. You can get an idea but please try to make your own essay about this and just be real. You should based ito too from your personal experience. God bless you!
*blog sa filipino iii* : sanaysay tungkol sa pag-ibig. ️ sanaysay tungkol sa pag ibig ng diyos. sanaysay tungkol sa pag ibig. Maikling sanaysay tungkol sa pag ibig
12 mga quote tungkol sa pag ibig sa sarili kultura 2022. 👍 pormal na sanaysay tungkol sa tunay na pag-ibig. di. 2019-01-06. Sanaysay tungkol sa suliranin buhay mga halimbawa ng talumpati
sanaysay tungkol pag ibig filipino paggawa
Sanaysay tungkol sa suliranin buhay mga halimbawa ng talumpati. 12 mga quote tungkol sa pag ibig sa sarili kultura 2022. Halimbawa ng tekstong deskriptibo tungkol sa ina
Sanaysay tungkol sa suliranin buhay mga halimbawa ng talumpati. ️ sanaysay tungkol sa pag ibig ng diyos sanaysay tungkol sa pag ibig. Pormal na sanaysay tungkol sa pag-ibig
Halimbawa ng sanaysay tungkol sa pag ibig sa gitna ng pandemya. Pag tungkol ibig sanaysay tunay pormal. Sanaysay pormal ibig tungkol ina aking tagalog halimbawa nanay wander mga
Halimbawa ng sanaysay tungkol sa pag ibig sa gitna ng pandemya. Sanaysay pamilya halimbawa tungkol ng pormal kwento maikling ang pangarap ibig aking mga philippin kaibigan masayang. Pag tungkol ibig sanaysay tunay pormal
tula pag ibig tungkol sanaysay tagalog halimbawa pamilya pilar buhay marcelo spoken maikling diyos minamahal philippin sawi sawing
Pag sanaysay ibig tungkol essays kwento tagalog. Mga sanaysay tungkol sa pag-ibig (8 sanaysay). Kabataan ang pag asa ng bayan sanaysay