GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika Bukod sa bulong at awiting-bayan, ang kuwentong-bayan ay kinapapalooban din ng paniniwala at kaugalian gaya ng kasunod na iyong tekstong babasahin. Iyong bigyang-pansin ang pagpapahayag ng damdamin o emosyon.
SI MALAKAS AT SI MAGANDA (Kuwentong-bayan mula sa Maynila) Bago nagsimula ang panahon, ang daigdig ay isang malaking kawalan. Ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat wala Siyang makita at walang marinig. Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay napapalamutihan ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin. Iniangat ng Diyos ang Kaniyang kanang kamay at ito’y itinuturong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga luntiang kakahuyan ay sumibol, pati ang damo. Namukadkad at humalimuyak ang mga bulaklak. Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga ibon sa himpapawid at nag-aawitan. Nabuo ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso. Ganda! Ubod ng ganda! Isang araw, ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ay ikinampay ang matipunong mga pakpak at napaimbulog na pababa sa kakahuyan. Mula sa malayo, kaniyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin. Kaniyang binilisan ang paglipad at napaimbulog na pababa. Siya’y dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga. Tok! Tok! Tok! Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig! “Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para itong karsel! Gustong-gusto ko nang makita kung ano ang nasa labas ng kawayang ito.” “Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon. Mayamaya’y may butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibong palibhasa’y gutom, ito’y tinuka nguhit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan. Krak! Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.
A. Sagutan Ang sumusunod na tanong.
1. Ilarawan ang daigdig noong unang panahon.
2. Ano-ano Ang katangian at paniniwala Ng tauhan sa akda?
Tauhan:
Katangian:
Paniniwala:
3. Sa kanila nang di masukat na kalawakan ng daigdig, bakit maging malungkutin Ang Diyos? Paano niya binago ang daigdig?
4. Anong uri Ng teksto ang binasang akda?
5. Paano ito naiiba sa iba pang uri Ng tekstong iyong nabasa?
B. Suriin ang sinaulungguhitang salita o Pangungusap.
1. Ano ang ipinahahayag Ng bawat isa?
2. Paano nakatulong ang mga Ito sa pagpapahayag Ng emosyon o damdamin?
Answer:
1.A
2.A
3.D
4.C
5.C
Explanation:
Easy on likening