Gumawa Ng Isang Tula Tungkol Sa Isyung Unemployment Na Laganap…

gumawa ng isang tula tungkol sa isyung Unemployment Na laganap sa ating bansa. ​


Hindi Mawaring Ugat

Kahirapang hindi matapos-tapos sa paglipas ng panahon,

Kay rami nang minumungkahing solusyon,

Ngunit bakit hindi pa rin nawawala sa ngayon?

Paano nga ba tayo makakaahon?

Ang kawalan ng trabaho ay maraming sanhi at bunga.

Kung iisipin tila lahat ay maaaring kung ano sa dalawa.

May walang trabaho dahil sa hirap ng buhay,

At may hirap mamuhay dahil walang hanapbuhay.

Mga salat sa buhay, mga hindi nakapag-aral,

Pinipilit na lang makasabay sa mundong umiiral.

Umaasa sa mga magulang na may kitang kulang pa,

Kung sila na magtatrabaho, paano na sila?

Habangbuhay na lamang mamumuhay nang payak.

Hindi na alam kung kalian tunay na magagalak.

Sa mga oportunidad ay lagi na lang ligwak,

Kahit saang bagay sila nagbabalak.

Sa pangyayaring aking nabanggit,

Lahat ng iyan ay mangyayari nang paulit-ulit.

Lalo na kung walang nais magpumilit,

Para matapos ang nasabing hagupit.

Mga mamamayang kulang sa kwalipikasyon,

Sa kanila makikita ang kahalagahan ng edukasyon.

Sana sa bawat araw na lumalaon,

Ang lahat ay makakasabay sa papaunlad na panahon.

Siguro nga, may pagkukulang ang pamahalaan,

Ngunit na sa tao rin kung nais ba nila itong tuldukan.

May ilan din namang nakapasok sa eskuwelahan,

Pero tamad lang makipagsapalaran.

Hindi mawari ang inuugatan,

Ng kawalan ng trabaho sa bansang pinagmulan.

Ito nga ba talaga ang ugat,

O ang anuman sa lahat?

#CarryOnLearning

See also  Talumpati Tungkol Sa Community​