Halimbawa Ng Abstrak Sa Akademikong Pagsulat

halimbawa ng abstrak sa akademikong pagsulat

Subject: Filipino sa Piling Larang

Answer:

Ang wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano


  • Isang makapangyarihang puwersa ng sining, wika at kultura ang festival na kinasasangkutan ng nagkakaisang lipunan upang ipakilala ang kanilang identidad sa mga paniniwala, gawi, at pagpapahalaga. Siniyasat sa papel na ito ang pagwiwika ng Sillag festival bilang daluyan ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Mula sa mga dokumentaryong video at larawan; pakikinayam sa mga tagapamahala, mga kalahok, at mga manonood ng festival; at aktuwal na panonood ng mga mananaliksik, sinuri sa pamamagitan ng transripsiyon at coding ang mga pahayag at larawang nagpapahiwatig ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Lumabas sa resulta ang tatlong temang nagpapahiwatig ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Ang wika ng produkto, wika ng kasuotan/ kagamitan, at wika ng sayaw na umaayon sa malinaw ng sinag ng buwan. Nagsisilbing lunduyan ng pagkakakilanlan ng isang Ilokano na maaaring ipagmalaki sa buong mundo ang pagiging mapagtangi, malikhain at mapagpasalamat na siyang ipinapakahulugan ng mga temang lumabas  sa pagpapakahulugan ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at kultura.  

Mga susing Salita: sining, wika, kultura, identidad, gawi, pagkakakilanlan, lahi, transripsiyon, malikhain, lundayan.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksa, buksan ang link na nasa ibaba

1. Kahalagahan ng Abstak: brainly.ph/question/950660

2. Kahulugan ng Abstrak: brainly.ph/question/2569686

3. kahulugan ng akademikong abstrak: brainly.ph/question/1413840

See also  Kung Magkakaron Ng Dula-dulaan Ng Ibong Adarna. Sino Sa Mga Ta...