halimbawa ng abstrak sa pananaliksik
Halimbawa ng Abstrak na pananaliksik, isinulat ng dalawang estudyante tungkol sa “Pananaw ng mga kalalakihan sa Konsepto ng Seenzone”
“Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral na kalalakihan ng Veritas Parochial School ukol sa “Seenzone” bilang “motivation” o “drive”. Sa kabuuan, Ang mananaliksik ay nakapanayam ng labing tatlong mag-aaral. Ang layunin nito ay upang malaman ng henerasyon ngayon kung ano ang konsepto ng “Seenzone”, ano ang naging bunga at epekto nito sa mga kalahok at kung paano ito nakaapekto sa kanilang buhay. Pare-parehas at positibo ang mga damdamin na naging resulta sa pagkuha ng datos sa mga kalahok lalo na sa mga karanasan at epekto nito sa mga kalahok.
Ang Abstrak ay isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel.
Hakbang sa pagsulat ng abstrak
- Basahin muli ang papel upang magkaroon ng pangkalahatang-ideya
- Pagkatapos, paikliin o mas gawing payak ang impormasyon ng bawat seksyon sa isa o dalawang pangungusap
- Basahing mabuti kung nakuha ang lahat ng mahahalagang punto ng papel
- Bawasan ang mga salita upang ito ay sumakto sa limitasyon ng pangungusap o salita
- I-edit upang magkaroon ng maayos na daloy.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Hakbang sa pagsulat ng abstrak tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/906565
Uri ng Abstrak na pananaliksik
- Deskriptibo – pangunahing ideya ng teksto;kaligiran,layunin,paksa ng papel;kuwalitatibo
- Impormatibo – importanteng mga punto ng teksto; kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, konklusyon, etc; kuwantitatibo
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Uri ng Abstrak na pananaliksik tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/1026328
Bahagi ng Abstrak
- Kagiliran at Suliranin – Tinatalakay kung kailan, paano at saan nagmula ang suliranin
- Layunin – rason ng pagsasagawa ng pag-aaral at kung paano makakatulong ang pag-aaral sa paglutas ng suliranin.
- Pokus – paksang binibigyang diin o empasis sa pananaliksik
- Metodolohiya – maikling paiwanag ukol sa paraan o estratehiyang ginagamit sa pagsulat ng pananaliksik
- Konklusyon – Tiyak na datos na nakuha sa pananaliksik.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Bahagi ng Abstrak tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/2116736