halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang chef
Ano ang liham aplikasyon? Ang kahulugan ng liham aplikasyon ay ito ang isinusumite sa mga “employer” o kumanya upang maging interesado sila na kunin ka sa trabaho. Paano gumawa ng liham aplikasyon? Narito ang ilang mga tips at kailangang tandaan:
- Alamin kung ano ang hinahanap ng kumpanya o “employer” na gusto mong pasukan. Alamin ang gusto nilang mga katangian at karanasan mula sa isang aplikanteng kagaya mo.
- Base sa katangian at karanasan na gusto nilang makita mula sa aplikante, iugnay ang iyong sariling katangian at karanasan sa mga ito.
- Bigyan ito ng empasis sa iyong liham aplikasyon upang kaagad na magkaroon ng ideya ang kumpanya o “employer” na ikaw ay tugma sa kanilang hinahanap.
- Sa iyong liham aplikasyon, alamin kung sino ang “contact person” ng Human Resources na makakatanggap ng iyong liham. Ilagay ang kanyang buong pangalan (lagyan ito ng Binbini o Ginoo), pusisyon, kumpanya, at address ng kumpanya.
- Sa unang talata, ilagay kung paano mo nalaman ang posisyon at sabihin na interesado ka na mag-apply.
- Sa ikalawang talata, ilahad ang iyong katangian at karanasan na tugma sa hinahanap nilang mga katangian at karanasan.
- Sa ikatlong talata, sabihin na nakalakip ang iyong resume at ilagay na rin kung paano at anong oras sila maaaring makipag-ugnayan sa iyo.
- Huwag masyadong gawing mahaba ang iyong liham aplikasyon. Tandaan na ang magbabasa nito ay maaaring magbabasa pa ng maraming liham aplikasyon kaya gawing maiksi pero malaman ang iyong liham aplikasyon.
Narito ang isang halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang chef:
Oktubre 1, 2018
Bb. Stephanie Delos Reyes
Human Resources Manager
ABC Restaurant Inc.
No. 123, Gil Street, Pasig City
Magandang araw, Bb. Stephanie Delos Reyes,
Nasabik ako nang makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng chef para sa inyong kumpanya. Nais kong ipaalam sa inyo na interesado ako na pumasok bilang chef ng ABC Restaurant Inc. Matagal na akong kumakain sa ABC Restaurant Inc. at nais kong makatulong sa tagumpay ng ABC Restaurant Inc.
Ang aking limang taong karanasan bilang chef sa DEF Hotel Inc. ay makakatulong sa akin upang makagawa ang trabaho ng pagiging chef sa ABC Restaurant Inc. Sa DEF Hotel, natuto ako kung paano humawak ng tao, kung paano magluto kahit na gahol sa oras, at kung paano pasabikin ang mga customers sa pamamagitan ng masasarap na putahe.
Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman pa ninyo ang aking karanasan sa DEF Hotel Inc. Maaari ninyo akong ma-contact nang kahit na anong oras sa pamamagitan ng aking email ([email protected]) at cellphone number (+639201234567).
Maraming salamat.
Lubos na gumagalang,
John Dela Rosa
+639201234567
Iyan ang halimbawa ng isang liham aplikasyon para sa trabaho bilang chef. Maaari ka ring gumawa ng iyong sariling liham aplikasyon. Tandaan lamang ang mga tips na nakasulat sa itaas. Ibase ito sa iyong sariling karanasan at katangian.
Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa liham aplikasyon:
Ano nga ba ang kahulugan at ang nilalaman ng isang liham aplikasyon: https://brainly.ph/question/358872
Ano nga ba ang liham aplikasyon: https://brainly.ph/question/842306
Halimbawa ng isang liham aplikasyon bilang isang accountant: https://brainly.ph/question/1345957
Ano ano ang layunin ng larawang sanaysay. Layunin lipunan. Ano ang katangian at mga kasanayan ay dapat magkaroon ng isang sushi chef
Ano ang layunin ng kkk?. Samahan pangunahing layunin panitikan iisang mga dahil makamit. Ano ang layunin ng isang mag aaral
mga ay isang isda kasanayan magkaroon katangian dapat chef tao karaniwang tatlong tungkulin butchering
Ano ang layunin ng isang mag aaral. Ano ang pangunahing layunin ng dulang bilang isang akdang. Ano ang layunin ng pamahalaang komonwelt