Halimbawa ng personal blog
Sa makabagong panahon, isa sa mga na-uso ay ang blog. Ito ay isang pamamaraan ng pag-uulat ng isang tao batay sa kanilang karanasan na nais nilang ibahagi sa mga tao na may parehong interes. Isa sa mga halimbawa nito ay ang personal blog. Kung noon nauso ang pagsulat ng diary, ang personal blog ay parang ganito rin. Dito makikita natin ang opiniyon o komentaryo ng isang indibiduwal ukol sa isang paksa o pangyayari ng kanilang buhay, at ito ay ibinabahagi sa mga websites upang ito ay maihayag. Sa ngayon, mayroon na ring tinatatawag ng Vlog o Video Blog na kung saan maaaring makita sa Youtube at masasabi nating mas nakalilibang lalo na at ito ay napapanood na.