Halimbawa Ng Repleksyon SA Sarili​

halimbawa Ng repleksyon SA sarili​

Answer:

Ang buhay ng tao ay naguumpisa sa araw ng kanyang kapanganakan o araw kung kailan siya isinilang sa mundong ito. Sa mga araw at taon na lumilipas, panibagong pagsubok ang dumarating. Naguumpisa sa pagsubok kung paano umpisang matutong umupo ang isang munting sanggol hanggang matutong tumayo at lumakad. Ilang taon pa ang lilipas, at mas marami pang pagsubok ang pwedeng dumating, matututo ang bata kung paano tumakbo hanggang makakaranas ng pagkadapa at muling babangon. Sa pagbangon ng isang batang paslit, magiging problema nito ang hapdi ng sugat na tinamo niya sa kanyang pagkadapa, ito ang unang sugat na kanyang kinaharap. Marami pang taon ang dumating, pagsulat at pagbasa ang sumunod na naging pagsubok ng munting bata. Katuwang sa pagsubok na ito ay ang kauna-unahang guro ng bata at ito ay ang kanyang ina. Kay rami pang taon ang lumipas, maraming madagdag sa karunungan ng isang puslit na bata. Sa pagdaan pa ng maraming taon, maraming tao pa ang maaring makasalamuha. Mga taong maaring magdagdag ng karunungan at kaalaman ngunit maari din silang makapagdulot ng sakit. Ano pa man ang mga pagsubok na dumating o maari pang kaharapin, nararapat lamang na magpasalamat tayo sa Panginoong Diyos sapagkat sa kanya nagmumula lahat ng lakas na ipinahiram niya sa atin upang magpatuloy pa sa pang araw-araw nating buhay.

Explanation:

HOPE IT HELPS

See also  Gawain B: Lugnay Mo Ako PERFORMANCE TASK Panuto: Mula Sa Gawaing A, Iugnay Ang Mga...