halimbawa ng repleksyon tungkol sa natutunan sa modyul
Answer:
Ang Ekonomiks at ang Mag-aaral
Ito ay ang aking sariling repleksyon tungkol sa aking natutunan tungkol sa kahalagahan at kahulugan ng ekonomiks sa aking buhay bilang isang mag-aaral at bilang kasapi ng pamilya at lipunan.
Ayon sa isang economics analyst, ang ekonomiks ay isang pag-aaral para gamitin ang mga pinagkukunang yaman bagaman limitado ito upang makagawa at maipamahagiang ibat-ibang produkto at serbisyo sa mga tao at ibat-ibang pangkat ng lipunan para sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.
Ayon pa din sa isang pagsusuri sa galaw ng ekonomiya, ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap- buhay, naghahanap ng pagkain at iba pang pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga epekto nito sa mamamayan at sa iba pang proseso ng lipunan.
Kahit na isa pa din akong mag-aaral, nakikita ko na ang kahalagahan ng ekonomiks sa loob ng tahanan at sa paaralan gaya ng:
pagba-budget
pagbili
pag-iimpok
pag-invest
Una sa lahat, ako ay bahagi ng lipunan, at ginagamit ko ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Pangalawa, bilang isang mag-aaral ay natututo na akong maging higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapiligiran. Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.
Bilang konklusyon, naunawaan kong
ako ay bahagi ng ekonomiya
may epekto na ang aking pagkilos sa ekonomiya sa ikabubuti o ikakabagsak nito.
Bilang kabataan, may magagawa ka para palaguin ang ekonomiya ng bansa. Basahin ito sa: brainly.ph/question/314098; brainly.ph/question/315868; brainly.ph/question/357155.
Explanation: