Halimbawa Ng Solicitation Letter Tagalog Para Sa Pasko

Halimbawa ng solicitation letter tagalog para sa pasko

Ika-isa ng Disyembre taong 2017

Kabataang Residente,

Brgy. Dela Paz, Lungsod ng Antipolo

 

Mahal naming mga Ka-barangay.

 

Maalab na Pagbati!

 

Nalalapit na naman po ang taunang kawanggawa para sa mga kapuspalad nating kasama sa ating komunidad. Inaanyayahan po naming ang inyong pagsuporta sa layuning makatulong. 

Nangangailangan po tayo ng mga boluntaryo upang pangasiwaan ang pangyayaring ito.

Kaugnay nito, nais din po naming humingi ng tulong pinansyal sa pagbili ng mga regalo para sa mga kalahok. Ito po ay isang malaking tulong upang mapasaya natin ang pasko ng bawat isa.

Lubos po ang aming pasasalamat sa kahit anong halaga na inyong maibibigay.

Dalangin po naming ang inyong pagsupporta sa amin.

Lubos na gumagalang,

 

Irma Aquino

Punong Barangay

See also  Halimbawa Ng Tula Na Lalabindalawahang Pantig Sa Bawat Taludtod​