Ibigay ang tatlong lohikal na paraan sa disenyo ng pananaliksik
Answer:
1. Kwantitatibo
2. Kwalitatibi
3. Deskriptibo
Explanation:
KWANTITATIBO
-Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirical na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng komputasyon. Kadalasang ginagamit din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, ekperimentasyon, at pagsusuring estadistikal.
KWALITATIBO
-Ang kwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay lagging naka batay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, intitusyon, at ugnayan pantao na hindi maaraing mabilang o masukat.
DESKRIPTIBO
-Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, at paano na may kinalaman sa paksa bg pag-aaral. Hindi ito makakatugon sa tanongna “bakit” sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.
•HALIMBAWA
-Antas na paggamit ng apat na core values ng UST ng mga guro sa kanilang pagtuturo.