Ilang Weeks Bago Manganak Ang Isang Buntis

ilang weeks bago manganak ang isang buntis

Answer:

Ilang weeks nga ba ang hihintayin bago manganak ang isang buntis?

Kapag manganak ang isang buntis, naghihintay ng 36-40 weeks bago nya maisilang ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Itong weeks na ito ang pinaka binabantayan ng mga magiging ina at ng doktora nito.

Mga palatandaan na malapit ng manganak ang isang buntis

  • Paghilab ng tiyan – madalas humihilab ang tiyan ng isang buntis lalo na pag ito ay manganganak na. Ito ay isang senyales na maaaring tingnan sapagkat ang sanggol ay handang lumabas ano mang oras. Kapag ang hilab ay tumatagal at bumabalik ng 10-20 minuto, ito ay senyales na ano mang oras ay lalabas na ang sanggol.
  • Pagbaba ng tiyan ng isang buntis – dahil ang sanggol ay bumababa na hanggang sa pelvis ng isang ina at ito ay naghahanda sa kanyang paglabas.
  • Pagbuka ng sipit sipitan ng isang ina – kapag malapit ng manganak, kailangang magpacheck up palagi at ang unang tinitingnan ng doktor o ob-gyne ay ang pagbuka ng sipit sipitan kung saan pwedeng dumaan ang sanggol.
  • Madalas na pamumulikat at palagiang pagsakit ng balakang – dahil dito, naghahanda maging ang katawan sa paglabas ng sanggol kaya ito madalas maranasan.
  • Pagputok ng panubigan o  paglabas ng dugo sa pwerta – ito ay isang senyales ng paglabas ng sanggol. Kinakailangan na dalhin agad sa ospital ang isang buntis dahil ano mang oras ay manganganak na ito.

Mga kailangang ihanda sa panganganak

  • Damit ng sanggol (pajama, barubaruan, mittens, bonet, botties, receiving blanket)
  • damit ng kanyang ina (tshirt or daster, pajama, socks, kasama na rin ang pangtali sa kanyang buhok, underwear)
  • Toiletries (sabon, napkin o maternity pads, toothbrush, toothpaste, shampoo, alcohol, wipes, diaper, betadine, baby oil)
  • Camera o cellphone
  • Pangalan ng magiging sanggol
  • Pera
See also  Sugat Sa Para At Kamay (Kahalagahan At Layunin)​

Mga uri ng panganganak

  • Normal Delivery – ito ay kung saan nanganganak ang isang ina sa normal na paraan. Kapag handa na ang bata na lumabas at nakabuka na ng malaki ang sipit sipitan, ito ay lumalabas sa pwerta ng isang ina. Sa ngayon, mayroon ng bagong teknolohiya ang mga ospital kung ikaw ay manganganak ng normal, maaari ka na ring mamili kung ito ay painless o hindi. Ito ang kadalasan na uri ng panganganak lalo na noong una pang panahon.
  • Cesarean Section Delivery – ito ay kung saan hinihiwa ng doktor ang tiyan ng isang ina upang ilabas ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Kadalasan nangyayari ito kapag emergency o nasa kritikal ang kalagayan ng sanggol. Lalo na kung ito ay wala sa pwesto dahil hindi naman ito maaaring lumabas sa pwerta ng hindi tama ang kanyang posisyon. Isang dahilan rin ang hindi tamang pagbuka ng sipit sipitan kaya humahantong sa Cesarean Delivery. Ginagawa rin ito kung ang sanggol ay malaki ang kanyang laki at timbang kumpara sa ibang sanggol.
  • Water Birth – ito ang nauusong panganganak ngayon dito sa Pilipinas lalo na sa mga artista. Ito ay nagmula sa ibang bansa at dinala dito sa ating bansa. Ito ay ang panganganak sa pool o sa isang lagayan na maraming tubig.

Kung nais mo pang makabasa ng iba pang detalye o impormasyon tungkol sa paksang ito, maaari mo ring i-click ang mga links na ito:

  • ritwal o paghahanda sa panganganak: https://brainly.ph/question/997028
  • The process of birth wherein the doctor removes the baby from the womb (sa wikang Ingles): https://brainly.ph/question/1956798

#LetsStudy

See also  Score Pengawasan CONAD PAMILYA PAARALAN LALAKI AMA SEX CHROMOSOME...