kabanata 34 buod ng el fili
El Filibusterismo
Kabanata 34: Ang Kasal ni Paulita
Buod:
Habang nasa daan ay naalala ni Basilio ang sinabi ni Simoun na wag siyang dadaan sa daang Anloague sapagkat sasabog ang ilawang inihanda nito at tiyak na ang lahat ng naroon ay mamamatay kabilang na ang kaibigang si Isagani na ng mga oras na iyon ay labis ang pighati sapagkat ang kanyang kasintahan ay nagpakasal sa iba. Naghinuha si Basilio na ang ilawan ay pasasabugin sa mismong tahanan ni kapitan Tiyago na naging resepsyon ng kasal ni Paulita at Juanito. Batid niyang naroon si Isagani kayat nagtungo rin siya sa lugar na iyon. Naalala ni Basilio ang lahat ng mapapait na mangyari sa kanya mula sa kanyang pagkabilanggo, paghinto sa pag aaral, at ang pagkamatay ng kanyang nobya na si Huli.
Nagpunta si Basilio sa tahanan ni kapitan Tiyago na ngayon ay pagmamay ari na ni Don Timoteo Pelaez. Nakita niya ang magarang gayak ng tahanan na siyang ipinagayak ni Don Timoteo Pelaez. Ang lahat ng masasarap na pagkain ay nakahain at maging ang mga mamahaling inumin. Nakita niya ang ilawang handog ni Simoun na siyang magiging mitsa ng buhay ng mga tao sa lugar na iyon. Naisip niya na maraming inosenteng buhay ang madadamay kaya naman kahit nilalabanan ang konsensya ay ipinagtapat niya kay Isagani ang maaaring sapitin ng mga tao sa resepsyon sa gabing iyon.
Read more on
https://brainly.ph/question/2104492
https://brainly.ph/question/2128419
https://brainly.ph/question/2112999