Kahalagahan Ng Pag Aaral Ng Araling Panlipunan

kahalagahan ng pag aaral ng araling panlipunan

Kahalagahan ng Pag aaral ng Araling Panlipunan

Ang pag-aaral ng Araling Panlipunan ay mahalaga sapagkat naglalayon ito na makilala ang ating sarili, pinagmulan, kultura, bansa, ekonomiya, at lahat ng bagay na ating matatagpuan sa lipunang ating ginagalawan. Dahil sa pag-aaral na ito matututo tayo na mamuhay, magpahalaga, sumunod, at gawing kapakipakinabang ang bawat oras.

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga sumusunod na paksa:

Sikolohiya

  • Ito ay tumatalakay sa pag-uugali o pamamaraan ng pamumuhay ng isang lugar; sa tulong nito, maipakikita at maipagmamalaki ang kakanyahan ng bawat kultura.

Heograpiya

  • Tumatalakay sa kapaligiran o lokasyon ng isang lugar; pinag-aaralan dito ang uri ng klima, agrikultura, at mga taong naninirahan.

Politika

  • Ito ay pamamaraan ng pamamahala at pagpapaunlad ng isang pook o bansa; sapamamagitan ng pag-aaral na ito, nalulutas at nakagagawa ng matibay na pagpapasya para sa hinaharap.

Kasaysayan

  • Ito ay ang repleksyon ng isang bansa o pook mula sa nakalipas na panahon; sa tulong ng kasaysayan napaghuhusay at napapatatag ang kasalukuyan at hinaharap ng isang bansa.

 

Para sa mga karagdagang impormasyon maaring magtungo sa link na nasa ibaba:

https://brainly.ph/question/1500717

https://brainly.ph/question/1745176

https://brainly.ph/question/578696

#LearnWithBrainly

See also  Araling Panlipunan Grade 10 Q4 Week 2 PagPapaunlad ​