Kahulugan Ng Matalinghagang Salita Na Binuhusan Ng Malamig Na Tubig

kahulugan ng matalinghagang salita na binuhusan ng malamig na tubig

Answer:

Ang kahulugan ng matalinghagang salita na “binuhusan ng malamig na tubig” ay tumutukoy sa pakiramdam na tila nagulat, kinabahan, hindi makagalaw dahil sa pagkagimbal o nanlamig.

Halimbawang Pangungusap

Si Miya ay tila binuhusan ng malamig na tubig nang malaman na may masamang nangyari sa kanyang ama. (nagimbal o nagulat)

Maraming tao ang nag aabang sa kanta ni Odette kaya naman siya ay parang binuhusan ng malamig na tubig. (kinabahan o nanlamig)

Explanation:

Matalinghagang Salita

Ang matalinghagang salita ay ang pagpapahayag ng pagiging malikhain sa larangan ng pananalita. Ang mga salitang ito ay ginawang mga talinhaga na parang ipinaugnay sya sa kung ano ang ibig sabihin ng nagsasalita.

Mga Halimbawa ng Matalinghagang Salita at Kahulugan Nito

Naglalaro ng apoy

Kahulugan: Ito ay may kahulugan ng pagiging hindi tapat o pagtataksil sa asawa o karelasyon.

Naniningalang Pugad

Kahulugan: Ito ay pantukoy sa isang taong nanliligaw na o nanunuyo na para maging kaniyang nobya.

Haba ng buhok

Kahulugan: Ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay mayroong nararanasan na nagbibigay sa kaniya ng pakiramdam na siya ay maganda o espesyal.

Sukat ang bulsa

Kahulugan: Ito ay nangangahulugan na marunong gumamit ng pera, magbayad at mamahala ng kayamanan.

Panakip-butas

Kahulugan: Ito ay tumutukoy sa isang tao na ipinagpalit lamang o ginawang kahalili ng isang tao o bagay.

Isang paa sa hukay

Kahulugan: Tumutukoy naman ang talinhagang ito sa lagay ng isang ina tuwing manganganak ito o magsisilang ng sanggol.

See also  Prayer For Graduation Opening Prayer (elementary/tagalog) 1.pagpupuri...

Itim na tupa

Kahulugan: Ito ay nangangahulugan na ang isang anak, kapatid, o miyembro ng pamilya ay suwail o mayroong mga hindi ginagawang mabuti.

Balat-sibuyas

Kahulugan: Ito ay pagiging sensitibo o madaling makaramdam.

Luha ng buwaya

Kahulugan: Hindi totoo ang pag-iyak.

Bukal sa loob

Kahulugan: Ito ay ang pagiging taos-puso o matapat.

Kahalagahan ng Matalinghagang Salita

Mahalaga ang mga matalinghagang salita dahil sa mga magagandahang kahulugan ng mga ito. Ang mga ito ay nagbibigay ng gintong aral bata man o matanda. Ang mga ito ay nagbibigay din ng kagandahan sa panitikan gaya ng tula, noblea at sanaysay.

Para sa iba pang halimbawa ng matalinghagang salita, basahin sa link.

https://brainly.ph/question/107011

https://brainly.ph/question/108436

https://brainly.ph/question/106783

#LetsStudy