kapag may buntis,ano ang nararapat na ipaalala ayon sa pamahiin?
Answer:
kapag may bisitang buntis na nakatigil sa labas Ng pinto o sa may hagdanan kinakailangan na sabihan na huwag tumahan diyan dahil kapag manganganak na nahihirapan siya manganak
Answer:
Hindi mawawala sa pamumuhay ng mga Pilipino ang iba’t ibang pamahiin kabilang na ang pagbubuntis. Ito ay mga paniniwala ng mga matatanda na naipapasa sa bawat henerasyon sa paglipas ng panahon.
1. Sinasabi na mahihirapan sa panganganak kapag nakaupo sa hagdan.
Ganito rin ang paniniwala na bawal ang tumambay ang buntis sa may pinto. Siguro ang gusto lamang ipahiwatig ng pamahiin na eto ay may-ingat sa pagakyat at pagbaba sa hagdanan dahil maaaring maging sanhi ito ng anumang aksidente.
2. Huwag pumunta sa lamay o burol ng patay.
Makukunan daw ang isang buntis dahil sa paniniwalang isasama ng kaluluwa ng patay ang baby sa kabilang buhay. Kung hindi raw naman maiiwasan, magtali ng pulang panyo sa tiyan para maging pangontra sa sakit ng namatay.
3. Huwag maglagay ng nail polish.
Makaapekto sa baby ang taglay na kemikal nito. Ganito rin halos ang paliwanag sa pagpapakulay ng buhok. Maaaring namang maglagay ng nail polish basta nakasisiguro na wala itong toxic na kemikal na makasasama sa iyo at sa baby. Siguro pinaiiwas din na sa pagpapalinis ng kuko masugatan ang isang buntis dahil sa tetanus.