Kultura At Uri Ng Pamumuhay Sa Mongolia

kultura at uri ng pamumuhay sa mongolia

Ang kultura at uri ng pamumuhay sa Mongolia ay ang sumusunod:

  • Dati, ang edukasyon sa Mongolia ay hawal ng mga Buddhist na monasteryo at ibinibigay lamang sa mga mongha. Ngayon, malaki na ang pagbabago. Alituntunin na na mag-aral ang mga bata na may edad na 8 hanggag 15 taong gulang.
  • Ang isa sa pinakaimportanteng bagay na tinuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak ay tungkol sa kanilang asal at galaw. Lahat ng kanilang ginagawa, lahat ng kanilang kwento sa kanilang mga anak, pati na rin ang mga laruan na binibigay nila sa kanilang mga anak ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng magandang asal, pagiging etikal, tapat at totoo (honest), at pagiging madiskarte (skilled). Iyan ang hinuhulmang kaugalian ng Mongolia.
  • Ang Mongolia ay kilala sa kanilang “nomadic traditions” kung saan sumusunod sila sa pagpapalaki at pag-aalaga ng limang pangunahing hayop – kambing, tupa, baka at yak, kamelyo at kabayo.
  • Ang pundasyon ng tradisyonal na mga pagkain sa Mongolia ay base sa mga produkto ng mga “nomadic herders” kagaya ng karne at gatas. Ang mga ito ay pinoproseso sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan at ang mga ito ay karaniwang inihahalo sa gulay at harina.
  • Ang mga tao sa Mongolia ay mahilig sa isports, kagaya ng wrestling, archery at horse racing. Sa katunayan, ang tatlong isports na ito ay kilala bilang “The Three Games of Men” at nananatiling sikat ang mga ito hanggang ngayon. Tuwing Hulyo, ipinagdiriwang ng mga tao sa Mongolia ang mga isports na ito. Ang pagdiriwang ay tinatawag na “Naadam Festival”. Parte na iyan ng kultura ng Mongolia.
See also  Opening Prayer Tagalog

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa:

Ano ang kultura sa Mongolia: https://brainly.ph/question/39045

Ano ang kultura ng Mongolia at ang tradisyon ng mga tao sa Mongolia: https://brainly.ph/question/446946

Ano ang kultura at paniniwala ng mga taga-Mongolia: https://brainly.ph/question/437731