Mabuti At Masamang Epekto Ng Instagram​

mabuti at masamang epekto ng instagram​

Instagram

Ito ay isang uri ng social network na magagamit ng libre na ang serbisyo nito ay photo-sharing at video-sharing. Maaari kang magbahagi sa instagram ng mga larawan at video at makipag-usap at tumawag sa kaibigan o kaya mahal sa buhay. Pero mayroon itong mabuti at masamang epekto.

Mabuting epekto:

Tumutulong ito sa atin na makalibang at masiyahan mula sa mga problema at stress na kinakaharap. Nakakakita ka dito ng mga litrato at maaari kang mag-upload dito kung ano gusto mo. Naipapamalas mo sa karamihan ang naisin mo at saloobin sa pamamagitan ng mga larawan. Nakakatulong ito para makahanap ng mga ideya at kaalaman sa ibang mga tao sa pamamagitan ng pagtingin sa mga videos at litratong kinukuha nila.

Masamang epekto:

Kapag sobra ang paggamit natin nito, maaaring maubos na ang panahon at oras natin na para sa importanteng mga bagay. Gayundin, baka rin tayo maghangad at mainggit sa mga taong nagpopost dito dahil sa palagiang pagtingin sa mga larawan nila. Kung saan baka magtanim ito sa puso at isip natin na gayahin sila kahit wala tayo sa kalagayan. At isa pa, baka paraan ito na mabully tayo sa paraan ng tinatawag na cyberbullying.

Karagdagang detalye tungkol sa intagram:

Ang ilan sa mga tampok dito ay ang sumusunod:

  • Mga larawan
  • Videos
  • Mga live broadcast
  • Mga botohan na maaaring papiliin ang iba
  • Mga kuwento na maaaring ibahagi
  • Pagkakaroon ng tinatawag na crossposting
  • Paggamit ng mga hashtags
  • Mga abiso
  • Mga filter na makakatulong sa pag-eedit ng ating mga larawan
  • Geolocation
  • Pagkokomento sa mga larawan at videos natin at ng ibang tao
See also  Kahalin Tulad Na Tauhan Ni Hermano Huseng​

Maging maingat lang tayo sa paggamit ng instagram. Maaari nitong mawala ang ating kaugnayan sa pamilya kung uubusin natin ang panahon dito. Huwag hayaan na makontrol ka ng iyong gadget, sa halip ay maglaan lamang ng sapat na panahon para rito.

Kung gusto mo pang makapagbasa ng iba pang impormasyon na may kaugnayan mismo sa ating paksa, maaari kang magbasa dito sa mga link na ito:

Ilan sa mga halimbawang tanong hinggil sa impluwensiya ng social media sa maraming kabataan: brainly.ph/question/2701838

Ang postibong epekto at negatibong epekto ng paggamit natin ng social media: brainly.ph/question/24638513

#BrainlyEveryday