Mabuti At Masamang Epekto Ng Lokasyon Ng Pilipinas ?

Mabuti at masamang epekto ng lokasyon ng pilipinas ?

MABUTING EPEKTO NG LOKASYON NG PILIPINAS

Dahil sa lokasyon ng Pilipinas, mababatid din natin ang mga gawaing pangkabuhayan at katangian ng ating bansa:

Agrikultural ang bansa

Tropikal ang Klima

Nasa Coral Triangle

Maraming Likas na yaman (mga pagkain at mineral)

Pangunahin ang Pangingisda

MASAMANG EPEKTO NG LOKASYON NG PILIPINAS

Ang bansa ay tropikal na nakararanas ng panahong tag-ulan at tag-init.

Minsan ay may El Niño o kaya naman ay La Niña.

Madalas rin ang pagbagyo sa lokasyon ng Pilipinas.

Ang Singsing ng Apoy ng Pasipiko o Pacific Ring of Fire o Ring of Fire ay isang lugar na malakihang dami ng mga kaganapang bulkan at lindol na nangaganap sa Karagatang Pasipiko.

Ang Pilipinas ay kasama sa ilang mga bansa sa Asya na nakalatag sa isang malawak na sonang kung tawagin ay Ring of Fire o Circum-Pacific Seismic Belt.

Ang mga lugar na nasa Ring of Fire ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan, kasama na ang mga bulkang Mayon, Pinatubo, Taal na nasa Pilipinas at Krakatoa na nasa Indonesia.

Ang pagsabog na mga bulkan ay nagiging sanhi ng paglindol o paggalaw ng mga lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig.

See also  NIGOT- Pangunahing Yamang Mineral Na Mga Katutubong Igorot ​