Mabuti At Masamang Epekto Ng Paggamit Ng Cellphone Sa Kabataan ​

mabuti at masamang epekto ng paggamit ng cellphone sa kabataan

MABUTI AT MASAMANG EPEKTO

MABUTING EPEKTO:

  • Natututo sa teknolohiya at hindi nahuhuli sa pagunlad nito. Hindi na nahuhuli ang mga kabataan sa pag-usbong ng teknolohiya at natututunan na nila kung paano ito gamitin.
  • Hindi na walang muwang sa mga isyu ng bansa. Dahil sa mga artikulo at social media at nalalaman ang mga kasalukuyang isyu ng bayan.
  • Nalalaman ang ganap sa buong mundo. Hindi na nahuhuli sa mga balita at nalalaman ang mga nagaganap pati sa ibang bansa.
  • Nakakausap ang mga kaibigan kahit sa malayo. Hindi na kailangang makipagkita at nakakausap na agad nila ang mga kamag-anak at kaibigan sa cellphone.
  • Mas madaling matuto sa mga leksyon. Napapadali ang access sa learning sites at isisearch lang ang leksyon upang matuto.
  • Naaaliw ang mga kabataan sa cellphone. Sa mga games, videos at social media ay naaaliw at hindi nababagot ang mga bata.

MASAMANG EPEKTO:

  • Nakakapagdala ng adiksyon. Sa sobrang gamit ay nakatutok na lamang sa screen ang iilang kabataan.
  • Nakakasira ng kalusugan at paningin sa pagbabad sa cellphone. Maaapektuhan ang kalusugan at paningin kung naaadik sa paggamit ng cellphone.
  • Nahuhuli minsan sa kain at napupuyat. Wala na sa tamang oras ang kain at tulog kaya ang iilang kabataan ay madaling mapagod.
  • Nakakalimutan ang mga responsibilidad. Nakakaligtaan gawin ang mga tungkulin sa paaralan at gawaing bahay ng iilang kabataan.
  • Minsa’y napapahamak sa mga nakakausap sa social media na hindi kakilala. Sa social medias ay natututong kumausap ng di kakilala kaya minsan ay napapahamak.
  • Cyberbullying. Naaapektuhan at nagkakaroon ng depresyon ang ilang kabataang nakakaranas nito.
See also  Magtala Ng Mga 5 Na Dapat Gawin Upang Maipakita Ang Layunin Mo Sa Pagsali Sa Mg...

#CarryOnLearning ❣