Magbigay Ng Halimbawa Ng Paraphrase, Abstrak At Rebyu Sa Tagalog

magbigay ng halimbawa ng paraphrase, abstrak at rebyu sa tagalog

Ang paraphrase o paraprasis sa tagalog ay nangangahulugan ng pagpapaliwanag sa isang tekstong nabanggit. Halimbawa, ang mga pananalitang “masamang damo” ay maaaring paliwanagin bilang masamang tao. Ang abstrak o abstract naman ay tulad sumaryo dahil naglalaman ito ng pangkalahatang ideya ngunit sa maiksing paraan o parapo. Halimbawa, ang abstrak ng kwneto ng pagong at matsing ay, may isang mayabang na matsing na humamon sa pagong na magkarera sa pagtakbo. Sa kalagitnaan ng kanilang takbuhin ay natulog muna ang matsing sa itaas ng puno dahil nakita niya kung gaano kabagal ang pagong. Inisip niya na mauunahan niya ito kahit matulog siya. Ngunit sa isang iglap ng magising siya, natanaw niya ang pagong na malapit na sa dulo o finish line. Kaya natao ang matsing. Sinasaad ng abstrak ang kwento sa maikling paraan. Samantalang ang rebyu o review sa Ingles ay ang detalyadong pagsusuri ng isang pelikula, kwento, o akda. Ginagawa ito ng isa na may akda upang malaman ang tingin ng iba sa kaniyang ginawa. Halimbawa, ang rebyu ng pelikulang “Kita Kita” ay, nakakabitin at may kirot o panghihinayang sa damdamin ang dulong bahagi ng kwento nito. Kakaiba ang daloy ng istorya at tunay na nakakapukaw ng interes para sa isa.

See also  Ano Po Pwedeng I-title Sa Thesis Na Tungkol Sa Wikang Filipino?