Magtala Ng Limang Aral O Mensahe Na Natutunan Mo Sa Kabuuang Akda Na Floran…

Magtala ng limang aral o mensahe na natutunan mo sa kabuuang akda na Florante at Laura​

Answer:

Marami akong natutunang aral sa Florante at Laura. Ang mga ito ay nasa iba’t ibang aspeto ng buhay. Bilang isang ama, natutunan ko na dapat mong ipalaki ang anak mo ng mabuti upang hindi siya maging laki sa layaw. Ito ay makikita sa pagpapalaki ni Duke Briseo kay Florante. Bilang isang anak naman, natutunan ko na dapat isunod ang magulang mo palagi at mahalin sila. Nakita ko ito sa pagkabata ni Florante. Masunurin at nagmamahal siyang anak, sinunod niya ang magulang niya na mag-aral sa Atenas. Natuto ko rin na bilang isang mag-aaral, dapat gawin mo ang lahat ng magagawa mo sa pag-aaral at dapat seryosohin mo ito. Natuto ko ‘to sa pag-aaral ni Florante sa Atenas. Sa sipag niya, naging masmagaling at masmatalino siya kay Adolfo. Bilang isang kaibigan, natuto ko rin na dapat maging matulungin at mapagmahal sa mga kaibigan mo. Ipinapakita ito ni Menandro dahil palagi niyang tinutulungan si Florante, lalo na nung ipinagtanggol niya si Florante nung papatayin na siya ni Adolfo. Bilang isang mangingibig naman, natuto ko na dapat isa lang ang mamahalin mo. Natututo ko ito sa pagmamahal ni Florante kay Laura. Palagi niya siyang pinag-iisipan siya lang ang babae sa kanyang isip. Nakita ko rin na dapat hindi ka mang-agaw ng ibig ng ibang tao dahil masama ito at nasasaktan ang mga mangingibig. Ginawa ito ni Adolfo nung inagaw niya si Laura kay Florante. Sobrang nasaktan si Florante at labis ang kalungkutan niya. Bilang isang mamayan, natuto ko na dapat kang maging matalinong tao at hindi lang ipaniwala ang kahit anong marinig mo. Nakita ko ito nung nagsisinungaling si Adolfo tungkol sa kaharian ng Albanya, si Duke Briseo at si Haring Linceo. Naniwala naman ang mga mamayan ng Albanya sa sinasabi niya at nagkagulo sa kaharian. Natuto ko rin na dapat maging loyal ka sa pinuno mo. Mahusay na pinuno si Haring Linceo, ngunit nung nagsinungaling si Adolfo tungkol sa Hari, ayaw na ng tao si Haring Linceo. Bilang isang pinuno naman, nakita ko na dapat kang maging maayos at mabuti sa mga tao mo. Nakita ko ito sa katapusan ng Florante at Laura. Naging mabuting pinuno sina Florante at Laura. Dahil dito, naging masaya na ang Kaharian ng Albanya sa rule nila dalawa.

See also  Slogan Na Kung Saan Ay Tumutukoy Ito Sa Kahalagahan Ng Pagiging Isang Pilipino...

SANA MAKATULONG^_^