Mahalagang Tauhan Sa Ibong Adarna

Mahalagang tauhan sa ibong adarna

Mga tauhan sa kwento ng Ibong Adarna

Ibong Adarna

  • isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito.

Don Fernando

  • hari sa kaharian ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.

Donya Valeriana

  • asawa ng hari na si Don Fernando at ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.

Don Pedro

  • panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.

Don Diego

  • ikalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.

Don Juan

  • bunsong anak nina Don Fernando at Donya Veleriana na may mabuting kalooban.

Ermitanyo

  • siya ang nagsabi kay Don Juan na ang tanging makapagpapagaling sa hari ay ang pitong awit ng Ibong Adarna.

Matandang Ketongin/Ermitanyo

  • tumulong kay Don Juan kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna at  nagbigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna.

Matanda

  • ang tumulong at naghilot kay Don Juan ng binugbog sya ng kanyang dalawang kapatid.  

Prinsesa Juana

  • magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon na kalaunan ay ikinasal kay Don Diego.

Prinsesa Leonora

  • magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon at umibig ito sa kanya.

Serpente

  • ang may pitong ulo na nagbabantay kina prinsesa Juana at prinsesa Leonora sa ibaba ng balon.

Higante

  • kasama ng serpente na nagbabantay sa dalawang prinsesa sa ilalim ng balon.

Lobo

  • ang alaga ni prinsesa Leonora na inutusan niya upang tulungan si Juan ng mahulog ito sa ilalim ng balon.

Donya Maria/ Maria Blanca

  • anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ang napangasawa ni Don Juan.

Ermitanyo na may edad na 500

  • ang ermetanyong nagpapunta kay Don Juan  sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800.

Haring Salermo

  • hari ng kaharian ng Delos Cristal. Ama ni Donya Maria ang nagbigay ng mga mahigpit na pagsubok kay Don Juan.

Negrito at Negrita

  • ang inilabas ni Donya Maria at ginamit upang bumalik ang ala-ala ni Juan.  

Ano ang Ibong Adarna?

Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania. Halaw ito sa isang lumang Europeong alamat.


Ano ang Korido?

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino na nasa anyong patula na nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Ibong Adarna, maaaring magpunta sa link na ito: Akrostik ng Ibong adarna:  https://brainly.ph/question/2082489

Buod ng kwento ng Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor.  Kailangang makuha ang ibon upang mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot.  Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari.  Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe.  Ngunit ito’y hindi sapat sa haharapin nilang mga pagsubok.  Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa maamong awit ng Adarna at maiputan sila nito.  Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna sa isang matandang ermitanyong nasalubong sa daan.  Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda ang prinsipe, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid.  Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon.  Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana.  Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga’y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo.  Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya.  Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan.  Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba’t ibang pook.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit masasabing ang ibong adarna ay isa sa mga natatanging korido o obra maestra sa kasaysayan ng panitikang Pilipino?

https://brainly.ph/question/2105534

See also  Tiyakin Ang Mga Pangyayari Sa Kabanata 11-20 Sa Noli Me Tangere Na Maa...