Masamang epekto ng migrasyon sa lipunan
Answer:
(see explanation)
Explanation:
Ang migrasyon ay ang pagpunta ng mga tao mula sa isang lugar, papunta sa isa pang lugar. Madalas ay permanente na silang naninirahan sa bagong lugar na ito.
Dahil sa paggalaw at paglipat ng tao, nakakaapekto ito sa pangkalahatang katayuan ng ekonomiya. May mabuti at masamang naidudulot ang migrasyon sa ekonomiya kaya kailangan itong pag-aralan nang mabusisi.
Mas nakikita ang migrasyon mula sa mga tao sa pook-rural patungong pook-urban. May paniniwala na mas maraming pagkakataon para umunlad ang buhay sa pook-urban dahil sa mga oportunidad ng pook-urban dahil sa mas mabisang serbisyo ng gobyerno at nakikita nila sa media.
Kapag umalis ang mga tao sa pook-rural, kumakaunti ang tao dito at dumarami naman ang tao sa pook-urban. Narito ang ilan sa mga posibleng epekto nito.
Pook-rural
- Dahil sa pagliit ng populasyon ng pook-rural, mas babagal ang pag-unlad nito.
- Mas kakaunti ang mga nagtatrabaho na may kinalaman sa pook-rural tulad ng pagsasaka at pangngisda.
- Liliit ang produksyon ng pook-rural at magdudulot ng pagkahina ng loob ng mga tao dito.
Pook-urban
- Magkakaroon ng kompetisyon sa mga posibleng trabaho sa pook-urban dulot ng pagdami ng tao dito.
- Magkakaroon din ng kompetisyon sa mga serbisyo ng gobyerno tulad ng mga pampublikong daanan at ospital.
- Magkakaroon ng problema sa pabahay. Maaring lumiit ang mga bahay at magtaas ng presyo ang mga bagay at lupa.
- Tataas ang nibel ng polusyon dahil sa dami ng tao. Hihina ang kalusugan ng iilan at maaring magresulta ito sa sakit.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa migrasyon, bisitahin ang
https://brainly.ph/question/985222
https://brainly.ph/question/548198