Mayroon Pa Bang Merkantilismo Sa Kasalukuyan ? Patunayan

mayroon pa bang merkantilismo sa kasalukuyan ? patunayan

Ang merkantilismo ay pangmalawakang namayani sa kaisipan ng iba’t ibang ekonomiya ng iba’t ibang bansa noon. Ito ay maaaring ilarawan sa madaling salita bilang pagbatay sa kapangyarihan base sa dami ng ginto o pilak na mayroon ang isang bansa. Ito ay naging malawak na pagtingin noon sapagkat malakas pa ang industriya noon ng pagmimina.

Maging ang konsepto ng yaman ng isang bansa ay nakabatay dito. Kung ihahambing sa ngayon, masasabi nating mayroon pa ring industriya ng pagmimina sa bansa, gayun na din sa buong mundo, ngunit hindi na kasing lakas ng dati. Marami na rin ang ibang batayan ng kapangyarihan ng isang bansa at maging ng isang pinuno. Maaaring naibabatay pa rin sa yaman o sa dami ng pera na mayroon ang isang bansa, ngunit madami na ding iba pang sukatan tulad ng teknolohiya, agham, kasangkapang pangmilitar, at iba pa.

Iba pang impormasyon tungkol sa merkantilismo sa link na ito

https://brainly.ph/question/537151

https://brainly.ph/question/1997646

See also  Ano Ang Programa Ni Ramon Magsaysay