Meaning Of Cliché In Tagalog Words Pls

meaning of cliché in tagalog words pls

Cliche

Ang salitang cliche ay ginagamit sa isang sitwasyon o bagay na paulit-ulit nang nagagamit kung kaya’t ito ay nagiging tipikal na sitwasyon na.

Ang salitang cliche ay maaari ding ihalintulad sa isang ideya na nagmula sa isang orihinal na basehan, ito ay isang ideya na inuulit o nauulit. Natatawag lamang na cliche ay isang ideya o sitwasyon kung ito ay madalas na nating naririnig o nakikita, ang mga halimbawa nito ay:

  1. Mga kwento- ang mga kwento na nailimbag o nasa pelikula o ano mang uri ng kwento ay may posibilidad na maging cliche, dahil mula sa isang orihinal na punto mas nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na baguhin o ibahin lamang ang kaunting nilalaman ng buong ideya nito.
  2. Mga gawain- isang natural na bagay na sa ating mga tao na magkaroon ng routine o sinusunod na gawain sa pang araw-araw kung kaya’t minsan natatawag naintg cliche ang ating buhay

Ang ating kakayahang malaman na cliche ang isang bagay ay nanggagaling sa ating kaalaman o kasanayan sa mga bagay. Dahil kung wala tayong basehan na tinititigan at tayo’y kumukuha lamang sa ating pag-kapamilyar sa isang sitwasyon, iyon ay hindi matatawag na cliche.

Halimbawa ng cliche kung gagamitin sa mga pangungusap:

  • Inaasahan ko pa naman na magiging maganda ang pelikula ngunit ang kwento ay cliche na.
  • Napaka cliche ng mga tao kapag naharap sa pera, lahat nagbabago ng ugali.
  • Napaka cliche ng ideya ng argumento, mahirap ipaglaban ang bagay na wala namang lalim.

Para sa karagdagang kaalaman:

https://brainly.ph/question/302596

https://brainly.ph/question/1880291

https://brainly.ph/question/428685

#LearnWithBrainly

See also  Ano Ang Kahulugan Ng Ang Ilaw Ng Tahanan Patuloy Na Kilalanin At Papahalagaan​