Mga dapat tandaan sa Pagsulat ng abstrak
Narito ang ilang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng isang abstrak.
1. Magtungo sa silid-aklatang panggradwado o dili kaya’y manaliksik sa Internet ng mga papel-pananaliksik ayon sa kinawiwilihan mong mga paksa.
2. Basahin nang may lubos na pag-unawa ang buong papel. Bigyang-tuon ang mahalagang sinasabi ng layunin, sakop at delimitasyon ng pag-aaral, pamamaraan, resulta, kongklusyon, at rekomendasyon, at iba pang mga bahagi.
3. Siyasatin kung ang lahat ng mga bahaging binanggit ay nakaugnay sa tema ng paksa (pamagat) ng pag-aaral. Kung nagkakaisa ang ayos ng mga pahayag at ideya nito, ibig sabihin, mahusay na naisulat ang pag-aaral.
4. Siyasatin din kung ang mga nakalagay na pangalan sa bibliyograpiya ay nagamit sa pagpapatibay ng mga pahayag.
5. Sa pagsulat ng abstrak ng papel-pananaliksik, mahalagang lagumin lamang ang pinakapaksa nito mula sa naging kahalagahan at naging implikasyon ng pag-aaral.
6. Kailangan na ang abstrak na isusulat ay binubuo Iamang ng 200 hanggang 500 salita.
7. Isunod sa proseso ng pagsulat ang paggawa ng abstrak upang mapadali ang gawain.