mga hakbang sa pagsulat ng lakbay sanaysay brainly
Answer:
Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig.
Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin, maaari din itong magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang di kanais-nais o hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.