Mga Halimbawa Ng Blogs​

mga halimbawa ng blogs​

Answer:

Ang blog ay nagmula sa salitang weblog. Ito ay ang pagbabahagi ng mga karanasan sa paraan ng pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakakapagbahagi tayo ng kaalaman, pananaw, salaysay, at iba. Ito ay makikita sa internet o website ng isang tao. Ang mga halimbawa nito ay personal blog, video blog o vlog, travel blog, informative blog.

Explanation:

Fashion Blog – Ito ang pinakasikat na uri ng blog. Ang mga blog na may ganitong tema ay naglalaman ng mga damit o kung ano man ang bago sa mundo ng fashion o pananamit.

• Personal Blog – Halos walang tema ang blog na ito – kahit ano puwede. Ang mga blogger na gumagamit ng ganitong uri ng blog ay maaari lamang nilang gustong magbahagi ng kanilang buhay.

• News Blog – Nagbabahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa. Maari na ring isama rito ang mga blog na nagbabahagi ng balita ukol sa kalusugan, isports, at teknolohiya.

• Humor Blog – Naglalayon ang blog na ito na makapagpatawa o makapagpaaliw ng mga mambabasa. Pinakasikat na marahil si Professional Heckler sa mga humor blogger dito sa Pilipinas. Ngunit hindi lamang sila nagpapatawa, gusto rin nilang maimulat tayo sa katotohanan gamit ang kanilang alam na paraan.

• Photo Blog – Naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographies. Isa sa mga halimbawa nito ay ang tumblr. Hindi man katulad ng ibang mga blog site, maganda pa rin ang Tumblr dahil bukod sa mga litrato ito rin ay naglalaman ng mga mensahe.

See also  Mga Katangian Ng Abstrak ​

• Food Blog – Ang pangunahin at maaaring layunin ng blog na ito ay magbabahagi ng mga resipi at mga paraan sa pagluluto ng masasarap o kakaibang mga pagkain.

• Vlog – Ito ay kilala din bilang video blog sapagkat naglalaman ito ng mga video mula sa blogger. Ang mga video ay maaaring kuha ng mga paglalakbay, eksperimento, o kung anumang personal na gawain.

• Educational Blog – Nakakatulong ang mga ganitong blog upang maliwanagan ang mga mag-aaral sa mga aralin na hindi nila maintindihan sa paaralan.