Mga Pangyayaring Paglabag Sa Katarungang Panlipunan

Mga pangyayaring paglabag sa katarungang panlipunan

Answer:

1. Pagpataw ng parusa sa isang kasong di nalilitis. Tanyag ngayon ang operasyon laban sa ipinagbabawal na droga na hindi umano dumaan sa paglilitis at basta na lamang kinikitil ang mga suspek. Labag ito sa katarungang panlipunan dahil ayon sa batas, hangga’t di napatutunayang maysala sa korte ay inosente pa ang isang tao.

2. Pagdakip sa isang tao nang walang warrant of arrest. Hindi basta-basta maaaring hulihin ang isang tao nang walang utos mula sa korte o hukuman. Kailangan muna ng matibay na ebidensya para mahuli.

3. Pagkitil sa isang tao. Mayroong ilang nasa kapangyarihan na ginagamit ang impluwensiya at salapi upang ilagay sa kamay ang batas. Kinikitil nila ang mga tao ayon sa kanilang paniniwala at hindi na dumaraan sa wastong proseso.

4. Pagsuhol upang hindi malaman ang katotohanan. May ilang mga binubusalan ang bibig gamit ang pera o pananakot kapalit ng pananahimik ng tao para sa katotohanan. Paglabag ito sa Saligang Batas.

See also  1. Pagmasdan Ang Tsart, Punan Ang Mga Espasyo Batay Sa Hinihinging...