Mga Salik Na Nakakaapekto Sa Pagkonsumo Lesson Plan

mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo lesson plan

Answer:

MGA SALIK NA NAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO

Ang lahat ng tao ay konsyumer dahil sila ay may mga kailangan at kagustuhan.Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng isang tao ang dahilan kung bakit may pag konsumo. Ang pag konsumo ay bahagi na ng buhay ng tao. Ang pag konsumo ay nandiyan habang patuloy nabubuhay ang mga tao.

ILAN SA MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO NG ISANG TAO

1. Pagbabago Ng Presyo- May pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan mataas ang konsumo pag mababa ang presyo, samantalang mababa ang pah konsumo pag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga konsyumer ang produkto o serbisyong may mababang presyo. At kapag mataas naman ito ay kaunti lamang ang kanilang mabibili.

Halimbawa:

Noong dating 10 piso palang ang kilo ng manga nakakabili ang nanay mo ng 5 kilong manga samantalang ngayong 50 piso ang kilo na ang halaga nito ay isang kilo nalang ang kanyang nabibili.

2. Kita- Ito ay isa sa nagdidikota ng pag konsumo ng isang tao. Malaki ang kaugnayan ng kita sa konsumo ng isang tao. Habang lumalaki ang kita ng isang tao lumalaki din ang kanyang kakayahan sa pagkonsumo sa mga produkto o serbisyo. Kapag mababa naman ang kita ay mababa din ang pag konsumo. Kung ating papansinin mas maraming pinamimili ang Malaki ang kita kesa sa maliit ang kita.

Halimbawa:

Si Ana ay kumikita ng 50,000 piso kada buwan samantalang 10,000 piso lamang kay Nena kaya noong sila ay nag grocery 20,000 ang pinamili ni Ana at 2,500 lamang kay Karen.

See also  Ano Ang Balita Ngayon Sa Politika O Edukasyon? 9/07/2023​

3. Mga Inaasahan- ang inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakakaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan ang pag konsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa susunod na panahon o pangyayari. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay tumaas na ang pag konsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi gaya ng pag tanggap ng bonus at iba pang insentibo.

Halimbawa:

Kung inaasahan ng mga tao na tataas ang presyo ng sofdrinks sa pasko at mawawalan ng supply nito, tataas ang pagkonsumo nito paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap.

Nangutang si Ana at Maria upang ipambili ng pagkain dahil alam nilang may parating silang bonus.

4. Pagkakautang- Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaring maglaan sya siya ng bahagi ng kanyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pag konsumo dahil nabawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti lamang ang binabayaran niyang utang.

Halimbawa:

Sa halip na bibili si Ana ng meryenda ay ipinagpaliban niya ito dahil mayroon syang babayarang utang

5. Demonstration Effect-Madaling maimpluwensyihan ang mga tao ng anunsiyo sa radio, telebisyon, pahayagan at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikiya, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pag konsumo dahil sa nasabing salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensyahan ng nabanggit ay may mababang pag konsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapahon lamang.

See also  Mga Pananamit Ng Mga Pilipino Noong Unang Panahon​

Halimbawa:

Ang sbi ng nag advertise sa telebisyon na kailangang gamitin sya tatlong beses sa isang araw ang kanilang iniindorso at gagayahin din iyun ng tao, tataas ang kanyang pag konsumo.

Explanation:

hope its help hehe