Mga Sintomas Ng Buntis

mga sintomas ng buntis

Ang kadalasang mga unang sintomas ng buntis ay ang pagkahilo o kaya ay ang pagka-delay ng regla ng isang babae. Kung nasa hustong edad ng pagdadalang-tao, maari na mabuntis ang isang babae. Ilan sa mga mararamdaman kapag buntis ay ang mga sumusunod:

Mga Sintomas ng Pagbubuntis:

  1. lumalaki at masakit ng mga dibdib
  2. pagkahilog na may kasamang pagsusuka (kahit walang maisuka)
  3. pagkapagod  (laging gusto matulog)
  4. madalas na pag-ihi
  5. pagiging sensitive ng pang-amoy (ayaw sa matatapang na amoy)
  6. bloating

Kung nakakaranas ng mga sintomas na ito, maaring magsagawa ng pregnancy test. May mga nabibili nito sa mga drug store. Gamitin ang test kit ayon sa nasasaad sa mga direksyon sa kahon.

#LetsStudy

For more information:

More on Pregnancy Symptoms: https://brainly.ph/question/2584217

Lactation: https://brainly.ph/question/944596

MGA SINTOMAS NG PAGBUBUNTIS

  1. Delayed ang period o buwanang dalaw – Ito ang madalas na sintomas ng maaaring pagbubuntis ng mga babaeng regular ang regla. Ngunit ang sintomas na ito ay hindi sapat upang talagang masasabing buntis ang isang babae dahil maaari rin itong epekto ng stress o iba pang bagay.
  2. Pagsusuka o morning sickness – Ang sintomas na ito ay maaaring maranasan sa unang bahagi ng pagbubuntis. Ito ay nangyayari dahil sa mapait na panlasa.
  3. Mabilis mapagod o madalas na pagkahilo – Ang pagkaantok at pagkapagod matapos ang kahit simpleng gawain ay sanhi ng pagtaas ng lebel ng progesterone. Ang pagkaramdam ng madalas na pagkahilo, hirap na paghinga, at heartburn ay pwede ring maranasan. Gayundin ang pangangalay ng katawan partikular ang balakang.
  4. Spotting – Maaaring makaranas ng patak-patak na pagdurugo o spotting. Ang light spotting ay isang senyales ng implantation bleeding.
See also  Name This In English Not On Tagalog​

Narito pa ang ilan sa mga sintomas ng maaaring pagbubuntis.

  • Mapili sa pagkain o palaging may hinahanap na pagkain
  • Pagiging maselan sa pang-amoy
  • Paninigas at pananakit ng suso
  • Madalas na pag-ihi
  • Constipation
  • Pagkakaroon ng pimples o acne
  • Pagbabago ng mood o mood swings
  • Pagdadagdag ng timbang

Karagdagang impormasyon:

Sanhi ng maagang pagbubuntis

https://brainly.ph/question/938425

Mabuting dulot ng maagang pagbubuntis

https://brainly.ph/question/221823

Opinyon ukol sa maagang pagbubuntis

https://brainly.ph/question/2254260

#LetsStudy