” Mutya ng pasig” by Nicanor Abelardo
Answer:
Kung gabing ang buwan
sa langit ay nakadungaw;
Tila ginigising ng habagat
sa kanyang pagtulog sa tubig;
Ang isang larawang puti at busilak,
Nalugay ang buhok na animo’y agos;
Ito ang Mutya ng Pasig,
Ito ang Mutya ng Pasig.
Sa kanyang pagsiklot
sa maputing bula,
Kasabay ang awit,
kasabay ang tula:
Dati akong paraluman
Sa kaharian ng pag-ibig,
Ang pag-ibig ng mamatay,
Naglaho rin ang kaharian.
Ang lakas ko ay nalipat,
Sa puso’t dibdib ng lahat;
Kung nais ninyong ako’y mabuhay,
Pag-ibig ko’y inyong ibigay
Explanation: