Pagpapalaganap sa estilo ng pananamit.
Ang kakaibang estilo ng pananamit ay tumutukoy sa taliwas sa regular na kasuotan ng tao na makikita sa lipunang kinabibilangan niya.
Katulad ng ibang bagay, ang moda o fashion ay bahagi ng buhay natin at ito ay nagbabago-bago. Nagkakaiba-iba ng estilo ng pananamit ang tao depende sa klima at kultura ng isang lugar o lipunan.
Nagiging “kakaiba” ang estilo ng pananamit kapag nagsuot ka nang hindi nakagawian ng lipunang kinabibilangan mo. Bukod dun, masasabi rin nating “kakaiba” ang estilo ng pananamit ng mga tao noong nakalipas na panahon sapagkat taliwas sa paraan ng pananamit natin sa panahon ngayon.